
Seed | Seed 1 | Seed 2 | Seed 3 | Seed 3.5 | Seed 4 | Seed 4.5 | Seed 5 | Seed 5.5 |
Seed 6 | Seed 6.5 | Seed 7 | Seed 8 | Seed 9
"Wag mo akong hahanapin, Wag mo akong hihintayin. Babalik ako"
Seed 9.5

Siguro kung alam niyang sulat ako ng sulat ng mga bagay tungkol sa kanya, hindi niya yun magugustuhan. Ayaw niya kasing pangarapin ng mga tao ang isang katulad niya, katulad ng pagpangarap ko sa kanya, tingin niya hindi niya daw yun deserve.
–
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang araw na to, pang-ilang labas. Isa lang ang alam ko at uulit-ulitin sa inyo, araw-araw, araw-araw kong nararamdaman na ito palagi ang una kong pag-ibig. Nahihiya parin akong hawakan ang mga kamay niya o sumandal sa kanya para maamoy yung kinaadikan kong pabango niya. Hindi ko alam pero parang kahit na ang lapit, kapag nadapuan lang ng daliri niya yung palad ko, o masanggi ng braso niya yung braso ko, feeling ko maeexplode ako ng wala sa oras. Sasabog ako kapag hindi ako nakatili. Ganun ako ka-inlove.
Siguro kapag nalaman niyang sinusulat ko ang love story namin, hindi niya aakalain na sa lahat ng bagay, bawat bagay na ginagawa namin, nakasulat. Na balang araw, pangangarapin ng iba, ng kapatid niya, ng pinsan. Kaibigan… maraming magugustuhan ang magkaroon ng kagaya sa akin, ng sarili nilang Seed.
Alam ko na hindi ako matatapos, hindi magkakaroon ng pagkakataon na makarating to sa mga taong nakakakilala sa kanya, o sa mga nakakakilala sa akin. Habang buhay magiging parte ng memorya at papel ang anumang masasaya at malulungkot naming ala-ala. Hindi ako magsisisi o malulungkot, proud ako sa mga ginagawa ko at hindi ko rin siya pinagdadamot. Pero siguro, okay na to.
–
“Click.. click..”
Wala akong ibang magawa kundi pagmasdan siyang kunan ng mga litrato ang buong palid ng perya. Oo nga pala, hindi lang siya magaling magluto, mag-gitara o kumanta. Mahilig din siya sa photography pero hindi siya bihasa. Kung hindi yung mga bundok ang nakikita ko sa preview ng camera niya, mga mukha ko. Mukha kong tulog, bagong gising, bagong ligo, nagdidilig, nanonood o kumakain. Bumili siya ng camera para daw kunan ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Kung anong itsura ko ng ganitong araw, nung nakaraang linggo. Gusto niya laging makita ang mukha ko. Kung hindi man kami magkasama, naging assignment ko na ang pagkuha ko sa sarili ko ng litrato, araw-araw. At sa susunod na magkikita kami, kailangan may maibigay ako sa kanya.
Hindi ko rin siya madadaya dahil kahit magpalit-palit ako ng damit. Alam niya kung kinuha lang sa isang araw lahat ng picture na ibibigay ko. Simula nung nagkaroon siya ng ganung kakayahan, hindi ko na siya madaya. Kahit tamad na tamad ako, kailangan kong gawin. Mapapangiti nalang ako kapag naaalala ko kung para saan ang mga yun. Gusto niya akong makita araw-araw kahit pa hindi kami magkasama.
–
Siguro kahit nakapiring ako, kung hahawakan ko siya sa likod, sa buhok, sa ilong at kakapain ang mga labi niya, malalaman ko agad na siya si Seed. Ganun ko na kasaulo ang buong mukha niya at hubog ng katawan. Kahit siguro anino, ganun talaga siguro kapag mahal mo. Merong bagay sa kanya na wala sa iba, alam mong siya lang ang meron nun.
Lumingon siya sa akin at ngumiti habang hawak-hawak ang camerang nakatapat pa sa mga batang bumibili ng cotton candy.
“Gutom ka na ba?” tanong niya.
Umiiling lang ako para sabihing hindi.
Ngumiti siya bilang sagot sa akin, lumapit siya at inakbayan ako. Pagkatapos ay hinalikan mula ako sa ulo.
“Ang ganda dito no? parang lahat masaya” tanong niya sa akin habang muling tumingala sa kalangitan.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming paro-paro nung araw na yun kahit na sobrang dami ng tao. Animo’y sila rin eh gustong makipaglaro.
“Hhhmm..” bilang pag sang-ayon sa kanya.
Kapag tinititigan ko si Seed, habang nagsasalita o kahit nakasteady lang siya at walang ginagawa. Hindi ako nagsasawa, hindi ko alam kung bakit.
“Gusto mong sumakay dun?” sabay turo niya sa akin sa carousel.
..
“eh? Nakakahiya..” sagot ko..
“Dalawa naman tayo e.” papilit niyang nakangiti.
Isa ito sa mga hindi ko makakalimutang pagkakataon na nakasama ko si Seed. Kung tutuusin, lahat ng bagay na ginagawa ko ng kasama siya, lahat espesyal, lahat hindi ko malilimutan. Lahat ayaw kong kalimutan. Nung araw na yun, nagdesisyon ako na balang araw, gagawin ko itong libro at babasahin naming dalawa sa mga magiging anak namin, at sa mga apo. Hindi na ako makapaghintay na tumanda kasama ang lalakeng buong buhay kong pinangakong mahalin sa sarili ko.
Hindi ko alam kung paano niya napapayag yung taga-bantay na pareho kaming dalawa na sumakay sa isang kabayo. Nasa likod ko siya, nakayap sa akin.. Sumandal sa mga balikat ko habang paandar na ang carousel. Naalala ko tuloy nung bata ako, madalas akong kunan ni papa kapag sumasakay ako sa ganito. Pangarap ko dati makasakay ng kabayo pero hanggang dito lang dahil sa sobrang busy niya sa pagtratrabaho. Naluha ako naalala ko si papa.
Unti-unti pa siyang sumandal sa mga balikat ko habang umiikot na ang carousel.
“nahihilo ako..” Sabi niya nang nakayuko.
“ha? Sana hindi na tayo sumakay..” pagalala ko sa kanya.
“Okay lang…” Sagot niya sa akin.
Nakailang ikot na yung carousel bago ko lang mapansin na hawak-hawak niya ang camera sa unahan ko at kinukunan kaming dalawa. Sa gulat ko bigla akong lumingon sa kanya at humalik siya sa mga pisngi ko.
Habang dahan-dahang pahinto na ang pag-ikot , naglalaro nanaman ang nakakatuwang iba’t-ibang kulay ng ilaw sa mukha niya, walang katulad. Hindi ko malimutan.
“Smile..” nilitratuhan niya ako habang pababa ng kabayo, nahihilo pa.
“Seed! Mukha akong tanga..” habang hinaharangan ng palad ko ang mga lente ng camera niya.
“Ikaw.. ang pinakamagandang. Mukhang tanga para sa akin…” Sabay tawa niya.
Napangiti nalang ako.
“hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto mong kunan ng picture ang sarili mo, pero nahihiya kang magpakuha sa iba, lalo na sa akin.” Sabi niya habang inaalayan ako sa paglalakaed. Daig ko pa ang nahihilo na tao na sumakay sa Roller coaster eh ako sa pambatang carousel lang naman.
“nahihiya ako sayo, kapag nakikita kita. Hindi ko alam kung yung ngiti ko, ngiti ng kinikilig o ngiting pose lang…” Sagot ko.
“kahit ano pang ngiti, maganda ka parin. You will always be.” Sagot niya.
Hinawakan niya ang mga kamay ko ng dahan-dahan. Pero imbis na ilusot niya ang mga daliri sa mga spaces ng daliri ko o yung tipikal na holding hands ng mag boyfriend. Hinawakan niya ito ng palad sa palad, tulad ng paghahawak sa akin ni papa sa matataong lugar, paghawak sa akin ng pinakaimportanteng lalake sa buhay ko. Paghawak na “Dito ka lang.. Wag kang aalis.”
Napatitig nalang ako sa kamay naming dalawa. Naramdaman ko ang walang katulad na proteskyon, naisip ko lang, kung ikwekwento ko kaya siya kay Papa, ano kayang maramdaman niya?
Hindi parin nagbago ang hawak na yun. Tumingala siya muli sa langit at ngumiti. Pakiwari ko nagpapasalamat nanaman siya kay Lord na magkasama kami.
Yung ang isa sa mga simpleng bagay na masasabi kong sa aming dalawa lang. Iba yung pakiramdam ng may naiintindihan kayong bagay, na kayong dalawa lang ang nakakaintindi. Alam ko siya rin, nung mga oras na yun, iniisip niyang naiisip ko si Papa.
“namimiss ka na nun” bigla niyang banggit sa akin.
“Ha?” Sagot ko na patay malisya.
“magkikita rin kami balang araw.” Sabi niya sa akin.
Wala na akong masabi kundi ang swerte ko. Kahit na alam kong hindi niya sigurado kung tama ang iniisip niya, atleast sinusubukan niya akong intindihin. Masaya man kami o hindi.
Maswerte ako dahil nakakilala ako ng lalaking ipapaalala sa akin ang pagmamahal ng nagiisang lalake sa buhay ko. Hindi ko maipinta ang naiimagine kong mukha ng papa ko, lumuluha habang hinahatid ako sa altar at ipapaubaya ang mga kamay ko para hawakan ni Seed.
“Ang moody mo talaga..” Sabay banggit niya sa akin.
“ha?” tanong ko.
Ngumiti lang siya tulad ng dati bilang sagot.
Kumain kami ng cotton candy, Ica-cream.. Kumain kami ng normal, no sharing. Walang pasweet. Minsan hindi ko maintindihan si Seed kung bakit bigla nalang siyang nagiging malamig. Siguro kasi ayaw niyang gayahin yung mga napapanood ko sa romantic movies, pero alam niyang ineexpect ko yun. Ayaw na ayaw niyang maging scripted at kopya ng love story ng iba kung anong meron kami. Actually, hindi ko nga alam kung gusto niya ito tawaging love story balang araw.
“Susungkitin mga bituin para lang makahiling…” banggit niya.
“Ano?” pagtataka ko.
Nakakatawa to minsan si Seed, bigla-bigla nalang nagsasalita..
Hinawakan niya ako mula sa likod, nilapit sa akin at dahan-dahang yumakap.
Humuni, at paunti-unting kumanta.
“Tumingala ka..”
Tumingala naman ako habang nakayakap siya sa akin at yumuko siya, kulang nalang magdikit yung mga labi namin.
“Na sana’y maging akin puso mo at damdamin…” patuloy siyang kumanta..
“Sayo naman to ah..” pakulit kong sagot at pandidistract sa pagaattempt niyang maging romantic.
“Shhhh…” sabay binigyan niya ako ng mabilis na halik sa noo.
“kung kaya lang.. kung pwede lang…”
habang kumakanta siya, naimagine ko na may mga tumutugtog na gitra at maracas. Sumasabay sa lambing ng boses niya.
“Kung akin ang mundo..”
Habang kumakanta siya, at ako nakatingala, naiisip ko na gumagalaw ang mga bitwin sa madilim na kalangitan, unti-unting nagniningning.
Habang sinasayaw niya ako ng nakayakap sa gitna nang maraming nagdadaldalan, naglalaro at nageenjoy na tao sa perya. May batang lumapit sa akin.
“Ate…” kinalabit ako.
Huminto si Seed sa pagkanta at tumingin kami pareho sa bata. Ngumiti ang bata kay Seed at si seed sa kanya. parang meron silang usapan.
“Pinasungkit po ito sa akin ni Kuya…” Binuksan niya ang maliliit niyang palad.
Nakita ko ang isang colored paper star. May nakasulat ditong maliliit na Letra.. “Open me”
Tumingin ako kay Seed na malapit ng maluha.
“Shh…” ngumiti siya sa akin at hinalikan ang mga mata ko.
Humalik sa pisngi ko ang kyut na bantang lalake na may pinta ng pula sa ilong. Isa rin siguro sa mga anak ng mga taga-perya. Isang batang clown.
Binuksan ko ito dahan-dahan, takot ako na baka may mapunit.
Pahaba ng pahaba, lumiliit na at nawawala ang hugis nitong bitwin, hanggang sa naging mahabang papel nalang.
“Hindi ko kayang sungkitin ang mga bituin para sayo, hindi ko maipapangakong kaya kong gawin ang lahat. Pero kahit hindi ko pagmamayari o hindi ko maibigay ang kahit ano mang bagay na gusto mo sa mundo, sana alam mong nasa akin na ang lahat nung minahal mo ako.”
napaupo ako at napaluha.
Sa likod ko, may sunuot siyang kwintas. Pumapatak na ang mga luha ko. Hinawakan ko ang pendat nito at nakita kong isa itong wishing star, Diamond ang mga trails nito.
“Pwet ng baso lang yan..” Sabay ngiti niya.
“pero andyan ang puso ko. Kaya mas mahal pa yan sa presyo ng tunay na dyamante.” Pabiro niya.
Napayakap nalang ako ng mahigpit sa kanya.
–
Muli’t-muli, kahit ilang oras na ang nakakalipas mula sa oras na nangyari ang bagay na yun. Yun parin ang laman ng isip ko nung nasa taas na kami ng Ferris wheel.
Habang humahangin at nakatingin ako sa ibaba, pinagmamasdan ang malilit na tao. Nakatingin siya sa akin.
“Hindi ako nagsasawa sa mukha mo..” banggit niya sa akin.
“kahit linggo-linggo, araw-araw, minu-minuto, segu-segundo kitang tinitingnan..” Habang nakatitig siya sa akin.
“Seed..” Sasabihin ko narin sana na ganun din ako.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at sinabi niya sa akin.
“Sa ganito kataas na lugar, hindi ko alam kung bakit naabot kita..”
Hanggang sa huli, para akong nageexam. Iniwanan nanaman niya ako ng mga bagay na iisipin.
“Seed..”
“Pero ito ako ngayon, hawak pa kita..”
Seed 9

“Hindi kita sinundan, siya ang naglalapit sayo sa akin.”
–
“Pakiramdam ko mahuhulog yang box” Banggit niya habang pinipilit mailusot ang buong pizza sa kanyang bibig.
Habang ako nakatitig.
“Hindi ka naglalagay ng hot sauce sa pizza?” tanong ko sa kanya.
“Hindi, gusto ko kasi malasahan yung tunay na lasa ng kinakain ko.
“Pero hindi masarap ang pizza kapag walang hot sauce.
“Ayoko.”
At dun na nahinto ang paguusap namin, galit-galit muna habang ngumunguya.
Maaring balang araw, hindi ito ang love story na gustuhin ko. Ayokong isipin na magiging love story ito.. Ayokong maumay, katulad niya. Ayoko rin na may gumaya sa amin. Na balang araw, may gagawa ng mga bagay na ginawa namin. Nagdadalawang isip parin ako hanggang ngayon kung gusto ko siyang ipagmalaki sa mundo.
Natatakpan nang sarap ng kasinungalingan ang tunay na tamis ng pagmamahalan.
Sigurado ako na siya, ayaw niya.
–
6 months ago, halos maiyak na ako sa kanto ng street namin. Dinaig ko pa ang itsura ng mga batang nanlilimos at walang makain. Umiiyak ako. Gusto kong maglupasay sa kalsada. Ito yung mga oras na gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit sa lahat dahil parang pinagtritripan na ako ng mundo. Hindi na ako halos nakakapasok sa trabaho, hindi ko alam kung bakit, Siguro alam ko.. Ayoko lang aminin sa sarili ko na sa mga panahong yun. Wala akong ibang masisi. Nainlove ako sa iba, naghanap ako ng diversion dahil ilang buwan simula nung bonfire. Hindi ko na nakita si Seed.
Inisip ko rin na dapat tigilan ko na ang kahibangan ko sa kanya. Sa ganung uri ng lalake, malamang hindi rin magtatagal, makakakita siya ng iba at ipagpapalit ako. Bihira ka nalang makakakita ngayon na may magagandang mukha at totoong puso. Hangga’t may pagkakataon, manloloko. Ang sama ng loob ko, nakakilala ako ng hihigit kay Seed. Ginawa ko ang lahat pero wala, talo parin ako sa pag-ibig.
O pwedeng nagkamali ako na may mas hihigit pa sa lalakeng sinusulatan ko ilang buwan na ang nakakalipas — Wala, walang nakahihigit kay Seed.
Hindi ko nga ba alam kung bakit ako laging nagmamadali, parang lagi akong may hinahabol. Kapag nakarating ako sa gusto kong puntahan, gusto ko nalang umuwi at magpahinga. Ganun palagi ang set up ng love life ko. —NG BUHAY KO.
Hindi ko alam kung bakit wala na, hindi ko na nakita si Seed. Tumigil na akong maghanap at maghintay.
Kadalasan pakiramdam ko, hindi ko na natutulungan ang sarili ko, sarili ko pa ang nagiging dahilan kung bakit ako nalulugmok sa lungkot. Wala akong magawa. In the end, mauuwi nanaman ako sa katotohanang hindi ko matanggap na wala akong ibang masisi.
Umiiyak na ako, nakaupo sa harap ng isang abandonadong bahay.
Biglang may kumalabit sa akin at napatingin ako.
Bakit kung kailan hindi mo naman kailangan, laging may mga taong hindi kayang manahimik sa isang tabi at matutong wag makialam sa problema ng iba?—- lalo na kung ikaw ang may problema.
“Ice cream?” Banggit niya.
Napatingin ako..
Sumalubong sa akin ang ngiti na kahit ilang buwan ko ng hindi nakikita, alam na alam ko kung ano ang pakiramdam nung una ko itong nasilayan.
“Ice cream?” Habang inaabot niya sa akin ang isang Cornetto Drumstick.
Hindi ko pa alam kung kukunin ko ito, sa sobrang pagkagulat. Actually, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang gusto ko nalang tumalon sa mga bisig niya at yumakap.
“Sige, gusto mo yata ipagbalat pa kita..” banggit niya habang nakangiti.
Binalatan niya ito at sinabing “hmmmm hmmmm…” na tonong nang-iinggit.
Inabot ito muli sa akin at sinabing “Minsan ka lang makaranas ng libre.. Pangatlo mo na to..”
Ito ang apat na pagkakataon na nakita ko siya, Si Seed. Sa tabi ko.
Minsan, sa buhay mo na kahit alam mong hindi totoo ang mga fairytales o mga super heroes stories, meron, meron kang matatawag na ito na ang Hero ko. Pero sa akin, tinawag ko siyang Drugs.
Parang Valium, kapag nakikita ko ang mga ngiti niya, kapag naririnig ko ang mga boses niya, kumakalma ako. Bigla bigla nang hindi ko napapansin, wala ng pumatak sa mga mata ko. Hindi ko naring napansin na ngumiti ako, pagkatapos ng ilang buwan. Alam ko na, siya ang dapat kong takbuhan.
Kinuha ako ang Ice cream at nagpasalamat sa kanya.
Tumingala siya at parang naghihintay ng kwento kung bakit ako umiiyak. Ayoko ng tahimik kapag may kasama ako, siguro ganun din siya. Doon ko unang nalaman ang ugali niyang kapag hindi siya nagsalita, kailangan mong mauna.
“Bakit?” tanong ko sa kanya para mapilitan siyang magtanong.
“hhhmm?” mula sa pagkakatingala, tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Bakit?” Sabay turo ko sa ice cream na binigay niya.
“Comfort food yan..” Sagot niya sa akin.
“Alam ko..” Sagot ko.
“Malungkot ako.. kaya bumili ako niyan, pero sayo nalang.. hindi naman kasi ako umiiyak” at muli siyang tumingala.
Nagtataka ako kung bakit kanina pa siya nakatingala, wala pa namang bitwin o kahit anong maganda sa kalangitan nung araw na yun. Bukod siyempre sa naghahalo-halong kulay ng ilaw sa mga ulap. Pink, Blue, violet, white.
Siguro, mahilig siya sa ulap. Ibang klaseng lalake, ngayon lang ako nakakita ng ganun.
“Paano mo nalamang andito ako? Sinusundan mo ba ako?” Tanong ko sa kanya
“Hindi kita sinundan, siya ang naglalapit sayo sa akin” Sagot niya.
“Sinong siya?” Tanong ko.
“Eh?” tumingin siya mula sa akin at parang nagtataka.
“Ang ganda ng mga ulap no..” Pahabol niya habang muling tumingala.
“Hindi ko alam..” Sabi ko sa kanya ng nakayuko, tinititigan lang ang natutunaw ng Ice cream sa mga kamay ko.
Hinawakan niya ako sa baba at guinide niya ito patingala.
“Hindi mo makikita ang ganda ng buhay kung lagi kang nakatingin sa mga panget na itsura nito..” Sabi niya.
“Ano?” Pagtataka ko.
“Hindi mo makikita yung ulap na sinasabi kong maganda kung dyan ka sa kalsada nakatingin..” At muli siyang ngumiti.
Hindi ko maintindihan kung para saan yung mga phrases na sinasabi niya sa akin tungkol sa buhay. Ang alam ko lang ayoko ng pinangangaralan ako ng ibang tao na akala mo alam nila ang lahat ng bagay sa mundo. Pero kapag si Seed ang nagsasalita sa akin, lagi siyang may iniiwan sa hangin. Laging kailangan meron akong hulaan, reviewhin. Parang lagi akong nasa test kapag kasama ko siya.
Malapit lang ang Street namin sa isang simbahan kung saan lagi maraming tao, hindi ko nga alam na sa kabila ng dami ng taong nagdadaan. Nagawa kong ngumalngal sa kalsada ng ganun. Nakakahiya, pero ang pinagtataka ko, kahit nakayuko, nakatakip ang palad sa mukha. Hindi nagkamali si Seed na malamang ako yun, Ako na ilang buwan niyang hindi nakita. Ako na wala lang naman sa buhay niya.
“Sarap?” tanong niya sa akin habang pinagmamasdang natutunaw ang ice cream sa mga kamay ko.
“Sorry, wala ako sa mood kumain..” Pagihingi ko ng tawad sa kanya.
“Okay lang… Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo.” Habang nakangiti siya at pinaglalaruan ng mga sapatos niya ang malilit na bato sa kalsada.
“Kumakain ako ng ice cream kapag malungkot ako…” Sabi niya. “hahaha” at muli kong narinig ang malambing niyang tawa. “Para akong babae…”
May kinuha siya sa bulsa niya, Isang baby blue na panyo. Hinawakan niya ang kamay ko at pinunas ito sa akin.
Nung mga oras na yun, nakatitig nalang ako sa panyo, sa tunaw na ice cream sa kamay ko, sa kamay ko at sa kamay niya habang naglalaro ang mga ito. Hindi ko nagawang ialis ang kamay ko mula sa kanya. Ang gaan bigla ng pakiramdam ko. Siguro hindi sagot ang comfort food sa susunod na malulungkot ako, siguro kailangan ko si Seed. Si Seed lang.
“yan..” Habang nakatitig sa malinis ko ng kamay. Tumayo siya dala-dala ang natutunaw na ice cream.
“Sandali lang..”
Akala ko itatapon niya yun, bagkus binigay niya sa isang batang nakaupo sa isang karton na kanina pa pala nakatitig sa ice cream na hindi ko man lang kinain. Tinupi niya ang isang tuhod niya at binuka ang kanyang bibig. Wala na akong ibang nadinig dahil medyo malayo na siya sa kinauupuan ko. Kinakausap niya yung bata, tinatanong. Hindi ko alam.
Ngumiti ang bata nung iabot ni Seed sa kanya ang Ice-cream, may kinuha pa siya sa bulsa niya. Dalawang uri ng biskwit, 2 supot. Damang-dama ko sa mga ngiti nung batang yun ang kaligayahan. Habang ako naiiyak sa nasasaksihan ko. Maruming marumi ang bata, siguro mga dalawa o isang linggo na siyang walang ligo. At kahit na ganun, binuksan ni Seed ang mga braso niya at biglang yumakap ang mga bata sa kanyang leeg. Naluha ang bata ng nakangiti.
Habang si Seed, nakapikit at Nakangiti sa likod niya.
Naluha ako, gusto kong tumalon at yakapin siya ng mahigpit pagbalik niya sa akin. Yung bigat ng dibdib ko kanina, nawala. Ngayon naluluha ako dahil ang gaan ng puso ko, naluluha ako dahil naramdaman ko ang kakaibang klase ng pagmamahal.
Pagbalik ni Seed sa akin. Inabot niya ang mga kamay niya na parang sinisenyasan niya akong tumayo. Tinanggap ko ang mga kamay na nagaalok sa akin sa kung saan. Pero pagkahawak at pagkatayo mula sa inuupuan ko, hindi na ako bumitaw. Hawak ko na ang kamay ni Seed.
“Maraming salamat po kuya!” Sigaw ng bata mula sa likuran.
Paglingon namin, may mga mumunting bata pa ang binibigyan ng biskwit nung batang kausap niya kanina. Marami siyang pinagshare-an. Tumungo lang si Seed at muling tumingala. Napatingin ako sa kanya, Nangingilid na ang mga luha niya nung mga oras na yun pero walang pumatak, hinigpitan niya lang ang hawak niya sa mga kamay ko para sabihin siguro na wag ko siyang tingnan.
Laking gulat ko nung papasok kami sa simbahan. Pero bago kami pumasok, Bumili siya ng isang yellow na lobo. Hindi ko alam kung bakit, siguro ibibigay nanaman niya yun sa bata. Hindi ko alam.
May kinuha muli siya sa bulsa niya at nakita kong yun ang wrapper ng Cornetto kanina, tinago niya yung balot nito. Tinali niya sa lobo at pinalipad.
“Para saan yun?” Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin.
Hindi siya sumagot, palagi naman.
Minsan parang nakakainis yung pakiramdam na parang hindi ka naririnig. Yun tipong yun na ang sagot niya. Yung ngiti. Pero kung sa bagay, ako naman nung araw na yun. Hindi niya ako tinanong kung anong problema ko, at dahil hindi ako nagkwento. Alam niyang hindi niya ito dapat tanungin. Sa kanya ko natutunan yung bagay na kapag hindi sinabi sayo, ibig sabihin hindi mo dapat malaman o ayaw niya lang talaga ipaalam sayo.
Or ayaw ka niyang masaktan— which is labas sa ganung pagkakataon.
Sinama niya ako sa Simbahan. Sa loob.
Naisip ko nalang na. Sa mga oras na umiiyak ako at parang wala akong malapitan. Habang nakatingin sa Rebulto ng Diyos na nakapako sa Krus, —hindi na pala ako tumatawag sa kanya.
“Okay lang yan” Sabi niya sa akin habang nakangiti.
“Alam niya kung ano ang kailangan mo.. pero minsan, kailangan mong maglambing.. makipagusap..” pahabol niya.
Muli galing sa mukha niya, napatingin ako ulit sa rebulto ng Diyos na nasa harap ko.
Hindi ko alam kung sa kanya ako nahihiya o kay Seed.
“Parang magulang mo lang yan, alam nila na kailangan mo ng baon.. pero kailangan mong sabihin kung magkano ba talaga ang kailangan at gusto mo..” Sabi niya habang pinipigil ang pagtawa.
Alam ko na hindi ito ang tamang pagkakataon, pero gusto kong maging less serious ang oras na yun.
“Pwede ba kahit marinig mo yung prayers ko?” Tanong ko sa kanya.
“Ikaw ang bahala..” Sagot niya.
Natatawa na ako nung mga oras na yun pero eto na ang pagkakataon ko para makabawi sa kanya. Malungkot siya kanina e, nalimutan niyang malungkot siya kasi kailangan niya akong Icomfort, at dahil binigay niya sa akin yung Ice cream niya na hindi ko kinain. Kailangan kong bumawi.
Pinagdikit ko ang mga palad ko, pumikit at sinabing..
“Lord, sana po dumating na yung lalaking magmamahal sa akin ng totoo, yung hindi ako sasaktan, kahit hindi gwapo lord, okay lang basta mabait..”
Alam ko na kahit nakapikit ako ng mga oras na yun at sa isip ko iba ang laman ng mga dasal ko, nagpipigil na siyang humalaklak.
Tumahimik ako saglit para sa tunay kong dasal.
Pagkamulat ko ng mata, wala na si Seed sa tabi ko. Tumingin ako sa paligid ko pero hindi ko na siya nakita.
Hanggang sa napagdesisyunan ko nang lumabas ng simbahan – MAG ISA.
Doon, sa maraming nakasinding kandila, nakita ko siyang nakapikit at mukhang nagdarasal. Nilusot ko ang mga kamay ko sa mga braso niya dahil ang kamay na hawak ko kanina ay nakahawak na sa kabilang kamay niya. Nagdarasal nga to.
“Salamat po..” Bulong niya. At saka siya dumilat at humalik sa noo ko.
“Anong pinagpray mo?” Tanong ko sa kanya.
“Sikreto..” Sagot niya.
“Sikreto?” Tanong ko.
“Alam ko na nadinig niya mga dasal mo..” Pahabol niya.
“Paano mo naman nasabi?”
“Alam niyang yan ang isa sa mga hihilingin mo bago pa tayo magpunta dito..” Sabi niya sa akin habang nakatingala at palayo na kami ng simbahan.
“Ang alin?” Tanong ko sa kanya. Pero alam ko nang ang tinutukoy niya eh sana makakilala ako ng lalakenng kahit hindi gwapo…
“Alam niya ang kailangan mo bago ka pa man tumawag sa kanya, kailangan mo lang talagang maglambing.” Sabi niya habang nakatingala parin at nakangiti.
“Tinupad niya na yun.. nung bumili ako ng ice cream..” dungtong niya.
“Ha?” Eto nanaman ako sa exam.
Nanahimik nalang ako nung marealize ko nung araw na yun na naririnig ako ng Diyos, ilang taon pa bago ako mabuhay. Na sa araw na to, kakailangan ko siya, Si Seed. Hindi niya ako sinundan, Gumawa si Lord ng paraan para magkalapit kami. Malungkot si Seed, bumili siya ng Ice Craem, kung saan ang sikat na Ice Cream shop ay nasa street namin. Nakita niya ang bata, napahinto siya at bigla niya akong nakita. Tinabihan niya ako, niyaya sa simbahan, Si Seed ang naging instrumento niya para mapunta ako doon at maramdaman ko na hindi ako nagiisa, na andyan siya sa tabi ko, sa taas nakatingin, habang ako nayuko sa lupa, hindi ko talaga siya makikita. Si Seed, simula nung araw na yun ang naging instrumento niya para maramdaman ko kung gaano niya ako kamahal. Wag akong makalimot.
Si Seed na laging nakatingala,ay nakatingin pala sa Diyos at nakangiti. Lagi siyang nakangiti sa tuwing titingala siya, sa wakas nagets ko na ang isa sa mga puzzle niya sa akin.
Isang Parte ni Seed, nung araw na yun ang naintindihan ko, The rest? Hindi ko pa alam, pero excited na akong malaman.
“Naaalala mo ba nung sinabi kong malungkot ako kanina?” tanong niya sa akin habang nakaakbay.
“Oo.. malungkot ka parin ba?” Tanong ko.
Tumingala siya at ngumiti.
“Hindi na siguro..”
Seed 8

“Ayokong pakawalan ka, kapag ginawa ko yun wala na akong makikita— alam ko rin na hindi na ako makakahanap ng hihigit sayo— wala nang magiging kagaya mo.” Sagot ko.
“Pakawalan mo ako na parang ibon..” sabay ng pagaspas ng mga daliri niya sa liwanag ng kandila, ang mga daliri niyang gumagalw bilang pakpak..
“Babalik ako sayo…” Galing sa taas na naabot ng mga braso niya, lumipad pababa sa mga pisngi ko ang kamay niya at tsaka niya ako hinalikan.
—-
Maaga siyang nagpunta sa amin nung araw na yun, isa’t-kalahating taon simula nung makilala ko siya.
Napagusapan namin na sasamahan niya ako at tutulungang maglinis ng bahay. Isa pa sa mga gusto kong bagay kay Seed, gusto niyang gawin namin magkasama ang mga bagay na ginagawa namin noon mag-isa. Siya ang nagoffer na tumulong nung nakaraang gabi. Nabanggit ko sa kanya na kailangan ko ng matulog dahil maglilinis ako. Hindi katulad ko, napakamapagbigay at napakaunawain niyang lalake, alam niya na kung hindi naman kailangan, hindi ko siya iiwan sa telepono. Sabay kaming matutulog.
Ang kakaiba kay Seed, ayaw niyang magmukhang Love story ang anumang namamagitan sa aming dalawa, kaya siguro kapag dumating ang panahon na ikwekwento ko ang storya namin, hindi niya yun babasahin. Siguro maiinis siya na parang naging scripted ang lahat, ayaw niyang maging dahilan yun para gayahin ng ibang tao. Ayaw niyang maging inspirasyon yun sa iba o subukang alamin kung sino siya dahil masyado siyang misteryoso. Siguro kapag gumawa ako ng libro tungkol sa kanya, malamang yun yung mga panahon na namimiss ko siya, o wala na siya sa tabi ko. Hindi na siya bumalik, siguro. Pero mahirap magsalita ng tapos.
Or pwedeng, ayaw ko siyang kalimutan. Hindi ko rin alam kung matatapos ko, kung saka-sakali.
Hindi ko maiwasan na mapatitig sa nagpapawis niyang katawan. Iniisip ko kung anong pakiramdam kapag nahawakan ko ang mga dibdib niya sa ganung lagay. Madulas? Mainit? Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging ganun kagwapo sa kabila ng itsura niyang naliligo sa pawis. Pakiramdam ko tuloy lulubog na ang araw at lahat-lahat.. Hindi pa rin ako natatapos kakapantasya sa mukha at katawan niya.
“Seed…” banggit ko habang nagpupunas siya ng bintana sa labas.
Hindi siya tumingin dahil nasa labas nga siya, at napakaimpossibleng marinig niya ako mula sa loob.
Lumabas ako dala-dala ang mga gamit sa kahon na hindi ko na gagamitin at alam kong pampasikip lang ng espasyo sa kwarto. Paglabas ko, hindi ko nanaman napigil na tumingin sa pababang pawis niya mula sa buhok patungo sa leeg, at pababa. Natatameme ako, bakat na bakat sa basa niyang tshirt ang magandang korte ng abs niya at dibdib. Hindi ko mapigilang hindi isipin na…
Hindi bale nga.
“Seed!” at ngumiti ako.
“Woah!” at umarte siya na parang na-ou-out of balance.
“Eh?” Paqgtataka ko.
“Nahuhulog kasi ako sa mga ngiti mo eh..” Sabay tumawa siya. “Kaso naisip ko, hindi pala ako nakatungtong sa kung ano… pero kung nasa upuan ako… kailangan mo na akong dalhin sa ospital.” sabay ngumiti siya sa akin.
“Ha? Bakit?” pakilig kong sinabi.
“kasi hulog na hulog na hulog na ako nun sayo…” Sabay tumawa siya, yung tawa niyang hindi ko na ata pagsasawaan kahit kailan hanggang sa mawala ko sa mundo.
“Akin na yan..” Lumakad siya papunta sa akin at binuhat ang kahon. “Ano to?” tanong niya.
“Wala, mga luma kong gamit.. Gusto ko sanang igarage sale”
“Sigurado ka bang hindi mo na to gagamitin? Ano ba to?” Binuksan niya ang kahon at nakita niya yung mga alahas na halos nangungupas na, parang mababang uri ng silver. Mga notebook na hindi gamit, stationary, mga clips, stickers at ilang stuffed toys na puno ng alikabok.
“Kanino ba to galing?” tanong niya nang nakataas ang isang kilay.
“Wala, sa mga classmate ko noong Hghschool..” Sagot ko.
Naaalala ko na ang ilan dun eh mga binili naming magkakasama sa mall. Ilan dun mga regalo na halos hindi ko na nagamit, ilan dun mga sulat na hindi ko na matandaan ang mga nakalagay. Naisip ko na hindi ko naman na yun gagamitin at balang araw, magiging dagdag kalat nalang sa bahay.
“Pati mga sulat, igagarage sale mo?” tanong niya.
“Hindi ko alam, itatago ko siguro.” Sagot ko sa kanya.
Binalik niya sa akin ang kahon at sinabing ihiwalay ko ang mga kailangan kong itago at ang mga bagay na ibebenta ko. Pagbalik ko, binuhat niya yun muli at sinabing siya na ang bahala. Tinulugan ko na siya sa labas para magpunas ng mga bintana pagkatapos ko sa loob.
Paunti-unti, pasulyap sulyap tumitingin parin ako sa kanya, Ultimo pawis gusto kong bilangin. Napatagal siguro ang titig ko kaya bigla siyang nagsalita.
“Paano kaya kung nakilala mo ako nung highschool ka?..” banggit niya habang pinipiga ang basahan sa maitim na tubig ng balde.
“Ano?”
Sagot ko.
“Memorya nalang siguro ako na inaalikabok.” Sabay bigla siyang ngumiti sa akin.
“Hindi naman siguro..” Banggit ko sa kanya.
“kakaiba ka e, matagal bago kita malimutan…” pahabol ko.
Hindi na siya sumagot. Tahimik nalang siyang nagpunas at nagpatuloy sa paglilinis.
Nakakapagod ang araw na yun. Wala na akong ibang gustong gawin kundi humilata sa kama at magpahinga. Wala naring pagkakataon para kami makapagusap ng matagal dahil babagsak na yung mga mata ko.
Pagkatapos maligo, nakita ko siyang nagluluto habang nagbabasa.. nauna siyang maligo sa akin. Lumapit ako sa kanya habang nasa tuwalya pa at yumakap ako sa likod niya habang siya’y nagluluto.
“Hmmm…” Umarte siya na parang inaamoy ang ulam.. “Ang bango…” Sabi niya.
Habang ako naman ay nayakap sa likuran niya’t humahalik.
“Anong niluluto mo?” Tanong ko sa kanya habang nilalaro ko ang mga daliri ko sa matambok niyang dibdib.
“Ang bango mo…” Sabi niya sa akin.
Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa noo.. Gustong gusto ko talaga yung pakiramdam na nakayakap ako sa kanya at parang nagiging unan ko na ang maskulado niyang dibdib. Dahan-dahan, pababa.. Humalik siya sa magkabila kong mata, tenga, ilong, magkabilang pisngi…
Bago pa man siya humalik sa mga labi ko, nararamdaman ko nang tinatanggal niya ang tuwalyang nakabalot sa akin.
Eto na ata! Sa isip-isip ko. :p
Nasa ilalim na ng dibdib ko ang mga kamay niya, malapit niya na itong icup sa suso ko. Nararamdaman ko ang init ng mga kamay niya sa malamig kong katawan. Kakaiba ang pakiramdam, habang ang hininga at mga halik niya ay umiinit rin.
Hawak na niya ang dibdib ko at dahan-dahan itong minamassage.
Hindi ko narin mapigilan ang pag-ungol.
Dahan-dahan, bago siya lumipat sa leeg ko, hinalikan niya ako ng pa-smack sa labi.
Pababa na ng pababa sa dibdib ng biglang magbrown-out.
Kung ibang lalaki siguro, magpapatuloy siya. Pero huminto siya, kinapa ang tuwalya sa counter at binalot akong muli. Pinatay niya ang stove at yumakap sa akin.
“I’m sorry..” Banggit niya.
“Shhhh…” Sagot ko.
“Sandali lang…”
Umalis siya at kinapa ang mga kabinet hanggang sa makakita siya ng mga kandila at sinindihan ito.
“Tara” hinawakan niya ako sa likod at ang isang kamay niya ay dala-dala ang kandila.
“Magbihis ka na, baka lamigin ka niyan” Sabi niya sa akin at nilapag ang kandila sa dresser.
Nagbihis na ako at kumain na kami. Sinabi niyang doon na siya magpapalipas ng gabi. Ano man ang pagod ko nung araw na yun, hindi ako makatulog dahil sa init. Inip na inip na ako sa paghihintay sa pagbablik ng kuryente. Nagulat ako nung bigla siyang yumakap sa akin paghiga niya ng kama, sa tabi ko.
“Goodnight” Sabi niya sa akin.
“Matutulog ka na?” Tanong ko at humarap ako sa kanya.
Pagkaharap na pagkaharap ko, bigla siyang nagbago ng pwesto at tumingin sa kisame.
Habang pinagmamasdan niya ang sumasayaw na ilaw ng kandila mula roon, ako naman, as usual nakatingin sa mukha niya, yung mukha niya na walang katulad.
“Wala na akong maalala…” Sabi niya.
“Saan? Anong hindi mo na maalala?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi ko na maalala yung buhay ko noon, nung hindi pa kita kilala..” Tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Bakit naman?” Tanong ko habang pinagaaralan parin ang mukha niya.
“Alam mo bang.. parang nagrereset ang buhay ng isang tao kapag may minamahal siyang panibago?” Tanong niya sa akin.
“Hindi ko alam, hindi naman…” Sagot ko.
“Talaga?” tanong niya sa akin. “Naaalala mo pa ba nung una kang nagmahal? Yung pakiramdam?”
“Oo naman…” Sagot ko.
Nang bigla akong mapaisip. Nung unang beses na nagmahal ka, dalawa lang ang alam mo. Masarap ito at pagkatapos naging masakit. Pero yung mismong pakiramdam noon, hindi mo na madedescribe, iba na kasi yung pakiramdam para sayo kapag pinaguusapan ang noon at ngayon.
“Err.. hindi ko na ata matandaan? Masarap? First love never dies eh..” Pahabol ko.
“Naisip mo bang darating ang araw na kailangan mo siyang iwan?” Tanong niya sa akin.
“Oo naman, akala ko nga siya na yung pakakasalan ko..” Sagot ko sa kanya.
“Pero iniwan mo siya..”
“Kasi.. Hindi na naman kami para sa isa’t-isa..” Sabi ko.
“Paano mo nalaman na hindi kayo para sa isa’t-isa?” Tanong niya sa akin.
Si Seed, siya yung tipo ng tao na maraming tanong. Para siyang bata na nageexplore sa mundo, kapag siya ang nagtanong kailangan mo itong sagutin. Kahit ang sagot mo pa eh hindi ko alam, basta sasagot ka. Pero pag siya ang tinanong mo, kailangan maging okay lang sayo kapag hindi niya yun sinagot. Unfair, pero nasanay na ako.
“Hindi ko alam..” yun na, wala na akong choice.
“Kung alam mo na hindi kayo para sa isa’t-isa, bakit mo pa siya mamahalin? Maiisip mo lang na hindi kayo para sa isa’t-isa kapag hindi na kayo masaya o hindi na kayo nagwowork out, pero kapag masaya kayo. Para kayo sa isa’t-isa.” Umiling siya pagkatapos niyang sabihin ito.
“Kung gusto ko lang din maging masaya habang buhay, hindi nalang ako magmamahal, ayoko maging malungkot, kapag naging malungkot ako sa karelasyon ko, iiwan ko siya. Hindi pagmamahal yun. Mahal mo lang ang isang tao kasi masaya ka? Paano kapag hindi na?” Ang dami niyang tanong na halos kinakausap na niya ang sarili niya.
“Minsan kapag hindi ako masaya sa nangyayari sa atin, ngingiti ako..” Sabay ngumiti siya para hindi masyado maging seryoso ang atmosphere sa amin.
“Bakit ka naman ngingiti? Ibig sabihin masaya ka kapag nagaaway tayo?” tanong ko.
“Hindi…” sagot niya sabay biglang iling.
Inalis niya ang tingin niya sa kisame at muling tumingin sa akin, nakangiti.
“Araw-araw kong ipapaalala sayo ang mga bagay kung bakit mo ako minahal. Kapag naalala mo kung bakit mo ako minahal, hindi ka na magiging malungkot.”
Hindi ko alam kung anong meron kay Seed. Sa sobrang pagkamisteryoso niyang tao parang ang sarap buksan ng puso niya o utak niya para malaman ko kung ano ang mga nilalaman nito. Kung ano ang gusto niyang sabihin na iniiwan niya sa hangin para hulaan ko.
Ngumiti siya sa akin at ngumiti ako sa kanya.
“Masaya ka.” Sabi niya, hindi yun tanong kundi salitang sigurado siya.
“Oo..” Sagot ko.
Isa ang mga ngiti niya sa libo-libong bagay kung bakit ko siya mahal. Alam kong hindi ko yun malilimutan.
“Anyway…” pagputol niya sa mga iniisip ko.
Kinorte niya ang mga kamay niya na parang isang ibon.
“Lipad…” banggit niya habang pinapasayaw ang ibon sa liwanag ng kandila.
“Kung ibon ako, kaya mo ba akong pakawalan?” tanong niya sa akin.
Habang pumipikit-pikit, naaakit ako sa haba ng pilikmata niya. Sa ganda ng ilong niya, sa mga labing hindi na yata natutuyo.
“Ayokong pakawalan ka, kapag ginawa ko yun wala na akong makikita— alam ko rin na hindi na ako makakahanap ng hihigit sayo— wala nang magiging kagaya mo.” Sagot ko.
“Pakawalan mo ako na parang ibon..” sabay ng pagaspas ng mga daliri niya sa liwanag ng kandila, ang mga daliri niyang gumagalw bilang pakapak..
“Babalik ako sayo…” Galing sa taas na naabot ng mga braso niya, lumipad pababa sa mga pisngi ko ang kamay niya ay tsaka niya ako hinalikan.
Ngumiti siya sa gitna ng mga halik at sinabing.
“Maaring may mga taong hindi para sa isa’t-isa..” Sabi niya habang hinahawakan ang pisngi ko.
Wala akong magawa kundi tumitig.
“Sinabi mo na wala akong katulad, ganun din ang nauna sa akin at nauna sayo.. bago tayo, ngayon.. magkasama..”
“Maaring may mga taong hindi para sa isa’t-isa, pero ako, kung hindi ka para sa akin.. alam ko na ako… para ako sayo.”
“hahahaha” at muli siyang tumawa.
“Walang taong magkakatulad, walang taong magkakapareho ng tadhana.. Hindi tayo pareho, kung hindi mo ako gusto, gugustuhin kita.”
Seed 7

“Babae ako, kaya siguro hindi kita maintindihan..”
Kahit gaano pa katindi ang pagmamahal lalo na kapag bago ito, ang dami mong gustong iplano, ang dami mong gustong gawin kasama ang taong pinili mong mahalin. Sa sobrang dami, iniisip mo na sana bumilis ang oras at ang lahat ng ito ay magawa niyo na nang magkasama. Ultimo ang pangalan ng magiging anak o ilan ay nagawa niyo naring pagplanuhan. Ganun talaga siguro kapag bago, bata at masarap pa ang pag-ibig.
Pero kapag tumatagal, maraming magbabago. Siguro kahit gaano ka pa katagal nagpaligaw, hindi mo parin masasabi na kilala mo na siya, o pwedeng hindi rin masusukat sa tagal ng panliligaw mo sa kanya para malaman mo kung siya na talaga ang gusto mo. Basta, ang gusto mo lang mapatunayan mo kung gaano mo siya kamahal at ikaw, in return, kung babae ka tulad ko, maramdaman mo kung gaano ka kaimportante sa kanya. And in the process, ang kaya niyang gawin para sayo.
Sa tagal ng pagsasama, Hindi ko alam kung paano niya nagagawa to sa akin, na araw-araw binibigyan niya ako ng dahilan para maramdaman ko na ito ang unang pagkakataon na naranasan kong magmahal..
Isa sa mga bagay na napagkasunduan namin noon, kailangan naming magopen sa isa’t-isa kahit isang beses lang sa isang linggo. Kahit siya yung tipo ng tao na ayaw umulit-ulit, lalo na kung topic ito tungkol sa kung bakit kami minsan nagaaway, hindi siya humindi sa usapan na yun. Actually, siya ang nag-suggest.
“Importante ang komunikasyon, gaano man tayo kalapit o kalayo sa isa’t-isa..” Sabi niya. Sabay ngiti at tumawa.
Hindi ko alam kung bakit ganito siya, na parang lahat ng bagay sa kanya magaan. Kaya siguro sa lumipas na isang daan o higit pang pag-uusap isang beses sa isang linggo, nasusurvive namin ang relasyon na meron kami dahil kung ako mabigat, siya yung tipo ng tao na magaan. Relax siya sa lahat ng bagay. Lahat ng bagay, ultimo problema ngingitian niya.
Isa lang naman ang ayaw ko, alam ko na kapag kailangan niyang umiyak dahil sa mga personal niyang problema, ayaw niya akong isama dun kung nasaan man siya, ayaw niya akong isama kapag gusto niyang umiyak. Never sa tinagal-tagal ng panahon na magkasama kami, never ko siyang nakitang umiyak.
Sa tinagal-tagal na yun, hindi ko parin siya naiintindihan. Minsan tuloy naisip ko kung totoo ba tong nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.
Once a week. Ang paguusap na yun, Isang heart to heart talk, Usap na kailangan maging totoo kami sa isa’t-isa. Pure honesty. Parang retreat o reconcillation.
“Wag mong isipin na masasaktan ako kung may nagawa kang mali at kailangan mong magsabi ng totoo, Sabihin mo lang. Isipin mo na mas masasaktan ako kapag nalaman kong nahirapan ka sa mga araw na tinago mo yun sa sarili mo. Ayokong nahihirapan ka. “
Yun ang sinabi niya sa akin. Parang ang hirap tuloy magkasala sa ganitong klase ng lalake sa isip-isip ko. Kung sa bagay, in the first place, hindi naman niya deserve ang kahit anong sakit na manggagaling lalo na sa akin na araw-araw nagsasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kung mahal ko siya hindi ko siya sasaktan.
Pero hindi yun maiiwasan e, kung sino pa yung taong sinasabi mong mahal mo, yun pa yung masasaktan mo ng matinding-matindi.
..Pero sa tagal ng pagsasama. Darating at darating ang panahon na parang magsasawa ka nalang. Kaya siguro iniiwasan niyang gumawa ng bagay na paulit-ulit dahil iniiwasan niyang maramdaman ko yung sawa sa piling niya. Hindi ko alam, siguro sa sobrang pag-iwas niyang maranasan ko ito, hinanap hanap ng puso at isip ko yung sawa. Sawa sa katotohanang, hindi ko talaga siya maintindihan.
Kada maguusap kami, isang beses, isang buong araw, minsan sa isang linggo. Hindi ko magawang sabihin sa kanya na sana kahit saglit maintindihan ko siya, na sana marinig ko ulit yung salitang kinaiinggitan ko sa ibang kababaihan. Na minsan, sana.. Hindi lang puro gawa. Kailangan din ng salita. Akala ko, okay ako sa ganung set-up. Hindi ko masabi yun sa kanya dahil iisipin niya na hindi ko siya mahal dahil kakaiba siyang lalake, na wala siyang katulad. Na hindi ko siya tanggap at nagdedemand ako na gusto ko siyang baguhin.
“Problema?” Habang nakatingin siya sa akin.
Nakalimutan ko na yun na yung araw na magheheart to heart talk kami. Ang daming naglaro sa isip ko, alam ko na hindi ko siya maloloko, at kahit sabihin kong wala, hindi man niya ako pilitin, bago matapos ang araw na yun, masasabi’t-masasabi ko sa kanya ang iniisip ko habang tulala ako at nakatingin sa kung saan. Pero kapag nakikita ko siyang nakangiti?
Wala na. Wala na lahat ng iniisip ko.
“Wala..” Sagot ko sa kanya.
“Hahaha” Ayan, ayan nanaman ang malambing niyang tawa.
Hinawakan niya ako sa kamay at tinulungang tumayo mula sa sofa. Sinabi niyang magbihis ako.
At dahil alam kong siya ang tipo ng lalake na punong-puno ng sorpresa. Nagbihis ako ng maganda, akala ko naman pupunta kami ng restaurant o another garden date. Pero naisip ko ulit, siya ang lalakeng hindi umuulit-ulit.
Imbis na sumakay kami sa sasakyan niya, nilagpasan namin ito at nagpatuloy kaming maglakad.
Habang hawak hawak ang kamay ko, tumingala siya sa palubog na araw, napatitig nanaman ako sa mukha niyang sinasayawan ng liwanag nito. Red? Orange? Red Orange? Yellow?
Kung makikita mo siya, para siyang isang obra maestra ng isang magaling at tanyag na pintor. Lahat sa mukha niya, perpekto. Ang tangos ng ilong, haba ng pilikmata, bagsak na buhok, magandang mata, manipis at namumulang labi, malaporselanang balat, yung dimple na parang tinusok ng karayom, higit sa lahat yung ngiti niyang hindi ko maiwasang kainggitan, yung ngiti na bumihag sa puso ko.
Minsan, naisip ko. Siguro iniisip ng mga nakakakita sa aming tao na katulong niya ako o PA, sa height palang, hindi na ako makahabol sa kanya.
Eto nanaman, sa pagitan ng ilang minutong paglalakd namin, ang dami kong naikwento sa isip ko, ang dami kong gustong isulat pag-uwi ko. Ang dami kong gustong sabihin na kahit paulit-ulit, gusto kong sabihin at ipagmalaki sa lahat na ako, ako ang babaeng mahal ni Seed. Na nagiging pangarap narin halos ng lahat.
Tumingin siya bigla sa akin at ngumiti.
“Lalim ah..” Sabi niya.
“Ano?” sagot kong parang hindi ko siya narinig at parang hindi ko rin naman siya naintindihan.
“hahaha” sinagot niya ako ng malambing na tawa.
Malapit na kami sa kanto ng nakita kong may nagtitinda doon ng fishball.
Tumingin siya sa akin at ngumit ng nakalabas lahat ang ngipin. At kahit pa hindi ko na nakikita ang braces niya na kinainlaban ko rin noon, hindi nagbago ang tingin ko na siya ang pinakagwapong lalake sa mundo.
“Fishball date!” tuwang tuwa siya nung sinabi niya ito, parang bata.
Wow. Isa pa pala ito sa mga bagay na hindi namin nagagawa bukod sa Airsoft. Sa sobrang pagkamainstream ng fishball date, naisip ko narin noon na ayaw niya tong gawin at hindi naman to gagawin. Sabi niya nga, ayaw niyang gumaya sa mga romantic movies kung saan nagawa na ito. Pero ito na kami, fishball date!
Walang duda, nasorpresa nanaman ako.
Habang kumakain, pinagmamasdan ko lang siya at nanghihinayang na sana nagdala ako ng camera, na sana nakuhanan ko yung mga scene na yun na ang cute cute niyang kumain. Kani-kanina lang iniisip ko nang hindi ko siya maintindihan, pero kapag andito na siya sa tabi ko habang nakikita ko siya sa mga ganun moment, naisip ko nalang…
Habang nakaupo sa harap ng bahay nila. Nakatingala siya at tahimik.
Alam ko na hinihintay niyang ako ang unang magsalita. Kung hindi ako magsasalita, walang mangyayari sa heart to heart talk namin. Nakaschedule ito palagi, hindi pwedeng ipagpaliban, hindi namin pwedeng sabihin sa isa’t-isa na wala kaming sasabihin dahil para saan pa ang kasunduan namin na to kung hindi namin kayang sundin. “Importante ang komunikasyon gaano man kalapit o kalayo tayo sa isa’t-isa…” Nakikipagusap nanaman ako sa sarili ko, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
“Sawa ka na?” Tanong niya na malaking ikinagulat ko.
Madalas sa heart to heart talk namin, ang unang tanong niya sa akin ay “Masaya ka ba?”. Ikaw ang magiisip kung para saan ang tanong na yun, kung masaya ba ako sa kanya o sa araw na yun o sa buhay ko o kung saan pa man. Hindi naman kailangan ng safe na sagot, alam niya kapag hindi ako nagsasabi ng totoo. Madalas kahit na alam niyang nagsisinungaling ako, tatahimik siya at yung opinyon niya nung araw na alam niyang nagsinungaling ako, next week niya sasabihin. Walang palya laging ganun.
“Sawa saan?” Tanong ko.
Yan, hindi dapat ako nagtanong kung sawa saan. Ako ang bahalang magisip kung sawa na ba ako sa kanya o sawa na ako kakakain ng fishball o sawa na ako sa ganitong kasunduan.
“Hindi ko alam.” Ang sagot ko, actually wala narin ako sa mood mag-isip. Katulad ng sinabi ko kanina, sana dumating yung araw na maintindihan ko siya, na siya naman ang magsalita sa akin, na magtanong siya at sumagot ng deretcho. Hindi yung laging ako ang magiisip. Siguro nga sawa na ako.
“Nasasagot yun ng hindi at oo, tanong yun e.” Sabi niya.
Medyo nainis ako sa pressure na binibigay niya sa akin. Inisip ko na kapag sumagot ako ng Hindi, hindi ko masasabi sa kanya yung mga hinaing ko at kapag sumagot ako ng Oo, siguro yun na yung pinto para maiopen ko ito sa kanya.
“Oo” nalang ang sinagot ko.
“Bakit” Tanong niya.
May kinuha siya sa bulsa niya, sigarilyo at nagsindi sa harap ko. Humithit at bumuga.
Sa pagkakataong ito alam ko na nagpipigil siyang magalit o umiyak o magwalk-out. Wala akong ibang narinig na sumunod dito.. “bakit?” yun lang.
Sa pagkakataon ding ito hindi siya nagtanong sa akin kung pwede ba siyang manigarilyo.
“Seed..” pahinhin kong sinabi habang nakatingin sa kanya.
Hindi siya lumingon sa akin, bagkus tumingala siya at sa ibabaw niya binuga ang usok.
Hindi siya nagsalita.
“Seed.. minsan hindi kita maintindhan..” Sabi ko at yumuko.
Shit eto na. Sa isip-isip ko, wag naman sanang maging dahilan to nang paghihiwalay.
“I know..” Sagot niya sa akin at bigla siyang nagfrench, nagspanish at nagnihonggo.
Tumingin siya sa akin at ngumiti, yumuko at pinatay ang hindi pa nauubos na sigarilyo.
“Mas mahihirapan kang intindihin ako kung hindi ako pilipino” Sabay ngiti niya sa akin.
Katulad ng sinabi ko, siya yung tipo ng tao na masasabi mong light. Kung maiiwasan niya, iiwasan niya yung mga pagkakataon na magiging seryoso kayo, hindi rin naman siya joker. Minsan mo lang din siya makikitang nakasimangot. Pinakamatagal na siguro yung isang oras.
“Babae ako kaya siguro hindi kita maintindihan..” Sagot ko sa kanya.
“Kailangan ko ba maging babae para magkaintindihan tayo? Tanong niya habang nakangiti.
“Sige…” Pahabol niya.
“Kung naging babae ako, hindi tayo magtatagal na isang oras in peace” patawa niyang sinabi.
“Ha?” Sagot ko at eto nanaman sa hula-hula-hoop.
“Cy..” Sagot niya at bigla siyang humiga sa hita ko..
Humawak ako sa pisngi niya..
Hindi siya nagsalita. Ibig sabihin nun, kailangan ako ang magsasalita. Sabi ko nga ba, hindi matatapos tong araw na to na hindi ko nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin.
“Minsan…” Eto na, nagbuntong hininga ako.
“Iwasan mong gawin yan..” Pabulong niya.
“Ang alin?” tanong ko.
“Yan…” at ginaya niya ang buntong hininga na kagagawa ko lang. “Panget pakinggan..”
“Okay..”
“Seed.. Minsan kasi hindi kita maintindihan, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong tumahimik, minsan hinihiling ko na sana naiintindihan kita, na sana lahat ng ginagawa mo kaya ko rin gawin, sana kaya kong manahimik kapag masama ang loob ko, na sana mapigil kong umiyak sa harap mo, na sana mapigil kong magselos sa mga babaeng kinakausap mo…”
Hindi na ako tumigil sa pagsasalita.
“na sana alam kong mahal mo ako, na sana sinasabi mo yun sa akin, na sana walang iba, na sana hindi ka magsawa.. na san.. minsan, maging isa tayo.. na magkaintindihan tayo.. pero ikaw lang nakakaintindi sa akin, at subukan ko minsan na intindihin ka sa ugali mong ganyan, hindi ko kaya.”
“hmmm..” yun lang ang sinagot niya.
Sabi ko nga ba, walang mangyayari kahit na sabihin ko sa kanya yun. Na hanggang sa huli nitong heart to heart talk na to, manghuhula nanaman ako kung anong ibig sabihin ng hmmm..
Umalis siya mula sa pagkakahiga sa hita ko at muling nagsindi ng sigarilyo, tumingala, binuga ang usok sa langit..
“Minsan.. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako naninigarilyo kahit na alam kong masama to sa kalusugan ko..” Sabi niya.
Wala akong nagets kaya nanatili akong tahimik, ibig sabihin.. siya naman ang hinhintay kong magsalita.
“Pero naisip ko na lumuluwag ang dibdib ko sa tuwing ginagawa ko to, pero ang totoo sa loob, sinisikip na ng usok ang baga ko…”
Wala parin akong naintindihan.
“Ibig sabihin…” at muli siyang bumuga.
“Minsan, kailangan tanggapin na kahit alam mo kung anong nangyayari sayo, whether naiintindihan mo man ang consequences nito or hindi, gagawin mo dahil nakakapagbigay to ng walang kapantay na ginhawa sayo..
“
“Ha?” Wala na talaga akong naiintindihan.
“hindi mo naiintihdihan?” Tanong niya.
Hindi pa man ako nakakasagot.. Bigla niyang sinabi na
“Good. Kahit hindi mo naiintindihan, nakikinig ka..” pahabol niya..
“Hindi ko kailangan maging babae katulad mo para maipaintindi ko sayo kung bakit ako lalake.”
Sabi niya.
“Kahit pa sabihin ko sayong inaantok ako, kailangan ko nang matulog hindi kita matetext, mapupuntahan o matatawagan kapag kailangan mo ako, maiintindihan mo ba? Hindi..” Sabay buga.
“kapag sinabi ko bang nagseselos ako sa mga lalakeng nakakausap at nakakasama mo,mainntindihan mo ba ako? Hinde, sasabihin mo na ako lang ang mahal mo at mga kaibigan mo lang yun.. Hinde..”
“Kapag sinabi kong Cy, kailangan kong umalis at magpalamig dahil ayokong makipagtalo sayo, maiintindihan mo ba ako? Hindi. Mas gugustuhin mong magstay ako sa tabi mo at makinig at saluhin ang mga sampal at masasakit na salita na mangagaling sayo.. Hindi.. Hindi mo yun maiintindihan.”
“Hindi ko kailangan maging babae, dahil kung babae ako, malamang magkatulad tayo.. Walang magbibigay, laging kailangan ikaw. Ikaw. Ikaw. ako.ako.ako” Seryoso na ang usapan ng bigla siyang tumawa.
“Besides…” Pahabol niya.
Sabay ibinuga ang huling usok na natitira sa bibig niya.
“Alam ko na tanggap mo ako.. kahit na hindi mo ako naiintindihan.” Sabay ngumiti siya sa akin.
“Bukod sayo, yun lang naman ang importante para sa akin…” sabi niya habang tinatapakan ang sigarilyo.
“Paano mo nagagawang masalita at manigarilyo ng sabay?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi nagyoyosi diba? Kaya di mo maiintindihan kahit sabihin ko kung paano..” Sagot niya.
Tumayo siya at ginulo ang buhok ko. Hindi ko napansin na madilim na pala, naglalaro na ang malilit na insekto sa mga ulo namin.
“Pumasok na tayo, ipagluluto kita at ihahatid na kita sa inyo..” Hinawakan niya ako sa kamay at tinulungan akong tumayo.
Siguro nga kahit na perpekto ang mukha niya, o perpekto siya sa paningin ng iba. Alam ko na katulad ko marami ring kapintas pintas sa lalaking minahal ko. Marami akong hindi maintindihan, marami akong gustong malaman. Maaring taglay niya ang pinagsama-samang sama ng ugali ng lahat ng taong kilala ko. Maaring balang araw kung hindi na kami ganito, pagsisisihan ko na minahal ko siya at isipin na noon palang sana iniwan ko na siya. Pero masaya ako na hindi ko siya maintindihan. Bakit? Kasi araw-araw, kailangan ko siyang pag-aralan. Araw-araw, kahit na masama o mabuti ang malaman ko sa kanya, lalo ko siyang mamahalin. Dahil oo nga, totoo ang sinabi niya, na kahit hindi ko siya maintindihan, tanggap ko siya. Ano man ang ibig sabihin nun.
“Na kahit masamang magyosi, masarap.”
Nagbalik sa akin ang mukha niya nung kumakain siya ng fishball.
Pumipikit, ngumingisi sa init ng bagong lutong fishball, sinasawsaw ang kinakain niya sa sinasawsawan ng iba, walang pandidiri, walang kaarte-arte. Ang cute, nung mga panahon lang na yun bago ko napansin ang maliit na x mark sa bandang sintido niya, sa tinagal tagal naming magkasama, at sa tinagal tagal kong ginagawa ang tumitig sa mukha niya, nung araw lang na yun ko napansin na meron siyang peklat.
Pero, hindi nabawasa ang pagiging pinakagwapong lalake sa mundo —- niya para sa akin.
Nung araw na yun, naging isa kami. Alam ko at some point, hindi niya rin ako maintindhan, pero hanggang ngayon. Hindi niya ako iniiwan. Araw-araw nagiging babae siya para sa akin, ginagawa niya yung mga bagay na alam niyang kung naging babae siya, yun ang gusto niyang maramdaman. Araw-araw, ginagawa niyang pelikula ang buhay ko.
——
Habang kumakain, pinagmamasdan ko lang siya at nanghihinayang na sana nagdala ako ng camera, na sana nakuhanan ko yung mga scene na yun na ang cute cute niyang kumain. Kani-kanina lang iniisip ko nang hindi ko siya maintindihan, pero kapag andito na siya sa tabi ko habang nakikita ko siya sa mga ganun moment, naisip ko nalang…
Mahal ko siya dahil hindi ko siya maintindihan. At dahil hindi ko siya maintindihan, mas lalo ko pa siyang minamahal.
Seed 6.5

“Hindi mo matatapos yan…”
—-
Palubog na ang araw nung nagising ako. Magisa, sa sofa. Tatlong taon na kami, pero kahit na madalas akong magising mag-isa, hindi parin ako sanay. Madalas naluluha parin ako kapag hindi ko siya nakikita sa tabi ko, kahit na minsan lang kami magkasama matulog at magising, hindi parin ako sanay.
Bumangon na ako nung makita ko sa orasan na alas kwatro y medya na nang hapon. Walang nanagyari sa araw ko, natulog lang ako. Minsan, parang ang sarap lang naman talaga magpahinga, pero madalas parang gusto mong sisihin ang araw mo na wala ka man lang nagawang productive.
Isang linggo na akong hindi nagsusulat, baka kalawangin ang utak ko, mawalan ako ng inspirasyon. Oo nga pala, noon. Sumusulat lang ako kay Seed, ngayon, ginawa ko na siyang storya. Ang dami kong gusto sa buhay, akala ko ang gusto ko eh maging direktor, pero ngayon parang nasa puso ko ang pagsusulat, pagsusulat kung saan ako at si Seed ang bida.
Ang sakit ng katawan ko.
Siguro umuwi na si seed, hindi man lang niya ako ginising bago siya umalis.
Dumeretcho ako sa kusina, sa pinto ng ref kung saan madalas siyang mag-iwan ng note sa akin sa tuwing nagkakasalisi kami, or—katulad ngayon na mahimbing ang tulog ko at ayaw niya akong gisingin. Si Seed, siya yung lalaki na kahit magkagalit kayo, hindi pwedeng hindi siya mag-iwan ng note kung umalis na ba siya, ayaw niya yung pakiramdam na pinagaalala niya ako, yun ang sabi niya sa akin.
“Left..” Ang sabi sa note niya.
Isa pa, hindi lalagpas ng tatlong salita ang mga note na iniiwan niya. Lagi niya lang ilalagay kung saan siya pupunta sa mga note. Like “kumain..” “Home” o “shop”.. Hindi yung parang mga malanobelang note. Bahala kang magisip kung anong shop, basta sinabi niyang Shop, ibig sabihin bumili siya.
Gusto niya lagi kong tandaan yung quote niyang “Wag ko siyang hahanapin.. O hihintay” na hanggang ngayon, hindi ko magets, kung para saan. Sa tuwing maiisip ko yun, pakiramdam ko lagi niya akong iiwan.
“Left”
Ah, siguro umuwi na siya. Pero kung umuwi.. Dapat “Home..”
At tsaka ko naisip na tumingin sa aking kaliwa.
Sa Garden.. Sumilip ako sa bintana.
Nakikita ko siyang nagyoyosi at nakagloves, habang nagyoyosi.
Lumabas ako at ngumiti sa kanya. Pagkakita niya sa akin, pinatay niya agad ang sigarilyo at tinapon ito sa plastic na nasa tabi niya, may mga sanga sanga ng halaman sa plastic na yun. Mukha siyang pawisan.
“Hi.. Beautiful..” Ngumiti siya at biglang hinalikan ako sa noo.
“Sarap nang tulog natin ah..” Banggit niya habang tinatanggal ang gloves na punong puno ng dumi ng lupa.
“Anong ginawa mo?” tanong ko sa kanya.
“Hmmmm..” Sabi niya habang mukhang nagiisip.
“Matagal ko na tong ginagawa, nakakapagtakang hindi mo yun napapansin..” Sabi niya sa akin.
“Nagtanim ka?” Yun ang hula ko dahil may nakita akong mga supot ng buto ng iba’t ibang klaseng bulaklak at sprinkler, idagdag mo pa yung mga pambungkal ng lupa.
“Matagal na akong nagtatanim..” Sagot niya.
“Pero ngayon lang kita nakitang nagtanim..” Pagtataka ko.
“Hmmm…” Sagot niya na parang siya ang Classic Seed na kilala ko.
Hindi siya sasagot ng tanong kapag naiinis siya o ayaw niya lang talaga sagutin or pwedeng alam ko na ang sagot sa tanong ko.
“matagal mo na akong tinataniman ng pagmamahal mo?” Biro ko sa kanya.
“Hahaha..” Sinagot niya nalang ako ng tawa.
—-
Sabay kaming naligo nung gabing yun. Siya ang nagluto, Siya ang nagayos ng kama.
Hindi ko alam kung paano niya nagagawa to sa akin, na araw-araw binibigyan niya ako ng dahilan para maramdaman ko na ito ang unang pagkakataon na naranasan kong magmahal..
—-
“Ang cheesy..” bilang bulong niya sa likod ko at humalik sa aking pisngi mula sa likuran. Niyakap niya ako sa likod at nanonood sa mga tinatype ko sa ginagawa kong libro.
“Wag kang magulo.. nahihiya ako..” Habang tinatakpan ang mga bagay na sinusulat ko tungkol sa kanya.
“Gusto kong makita..” Hinahawi niya ang kamay ko.
“Baka mamaya, ilagay mo dyan na minsan habang natutulog umuutot ako, o baka ilagay mo diyan na para akong babae tumili o nagtatakip ako ng unan kapag tinitingnan mo ako…” Pabiro niya habang pinipilit tingnan ang tinatype ko.
“Seed.. mababasa mo naman to, ikaw ang unang makakabasa nito..” Pakiusap ko sa kanya.
“Kinikilig ako, kasi may nagsusulat ng libro tungkol sa akin..” Sabi niya habang nakayakap parin sa akin at hinahalikan ang leeg ko.
“Seed! Hindi ako makapagconcentrate..” Naiirita kong sagot sa kanya.
“Seed 7” Sabi niya, nasulyapan niya ang title ng sinusulat ko.
“Teka? bakit seed 7 lang? Di ba pwedeng Seed ang aking prinsipe o Seed ang aking buhay at mahal na mahal kong tunay?” Sabay bigla siyang humalakhak.
“Seed!” Pasigaw ko habang tinatakpan ang naitype ko na.
“Hindi mo matatapos yan..” Sabi niya sa akin.
Bumaba ang mga balikat ko at nawala ako sa mood. Bakit siya ganun? bakit parang hinaharangan naman niya o dinadown yung mga bagay na nageenjoy akong gawin. Anong ibig sabihin nung hindi ko to matatapos? Alam ko na madali akong mawalan ng inspirasyon, maaring hindi ko nga to matapos o mawalan ako ng interest, pero nasa puso ko ang pagsusulat, lalo pa kung siya ang kinikwento ko.
“Ayokong basahin yan..” Sabi niya sa akin, tumayo na siya mula sa pagkakayap sa likuran ko at humalik sa tuktok ng ulo ko.
“Wag kang magpupuyat diyan, matulog ka na..” Sabi niya sa akin.
Halos mangiyak-ngiyak na ako na sinabi niyang hindi niya yun babasahin eh para sa kanya naman talaga to lahat, para sa kanya, siya yung inspirasyon ko sa pagsusulat. Pero, ano to? Hindi niya babasahin? bakit?
Habang pinagpatuloy ko ang pagtytype, unti-unting pumatak ang mga luha sa mata ko at naramdaman ko na para akong nanginginig. Habang siya mahimbing ng natutulog, ako lumalaban sa mga salitang binitiwan niya sa akin.
“Ayokong basahin yan..”
Sa lahat ng tao, sa libo-libo ng taong pwedeng makaappreciate sa mga bagay na ginagawa ko, siya ang unang-unang taong nagdown sa akin, siya mismo na karakter sa sinusulat ko. Huminto na ako sa pagsusulat, para saan pa?
Humiga ako sa sofa, ayokong tumabi sa kanya sa kama. Masama ang loob ko.
Ilang oras ang nakalipas, habang paulit-ulit na nagrerewind sa isip ko yung sinabi niya, hindi parin ako makatulog. Lumabas siya sa kwarto at uminom ng tubig sa kusina, ayokong makita niya na umiiyak ako, kaya nagpanggap akong tulog.
Nararamdaman ko nang malapit na siya sa akin. Palapit na ng palapit. Naramdaman ko na ang mga kamay at braso niya sa leeg ko at binti. Bubuhatin na niya ako sa kama. Katulad ng lagi niyang ginagawa, katulad ng laging ginagawa ni papa nung bata pa ako.
Mahal ko siya, hindi ko magawang magalit, pero gusto kong magtanong kung bakit, bakit ganun? bakit hindi niya babasahin?
Habang nilalapag niya na ako sa kama, humalik siyang muli sa noo ko pero imbis na humiga, umalis siya ulit. Hindi ko alam kung bakit hindi siya tumabi sa akin, siguro masama rin ang loob niya.
Ilang oras pa, hindi na talaga ako makatulog. Naamoy ko ang amoy ng Kape, hindi narin siguro siya makatulog. Naisip ko, tama lang yan, dapat sumama ang loob niya sa sinabi niya, dapat pagsisisihan niya yun.
Dahan-dahan, bumangon ako at sumilip sa nakaawang na pinto. Hindi niya sinara, alam niyang magigising ako kapag pumasok siya ng kwarto kung babalik siya at tatabi sa akin.
Andun siya sa Table, kasama ang laptop ko, nagkakape.
Nagbabasa.
May Dala siyang unan. Sakto nung mga oras na yun, nasa parte siguro siya ng nakakakilig na kwento, tinatakpan niya ng unan yung mukha niya kapag matatawa siya o ngingiti. Alam niyang magigising ako sa kakarampot na ingay.
Tumatawa siya, ang lambing ng tawa niya.
Kinikilig siya sa mga nababasa niya.
Napangiti ako nung nakasilip ako ng maigi sa screen.
.
.
.
Binabasa niya Ang Dear Seed.
Seed 6

“May gagawin ka ba sa friday?”
“Bakit?”
“Samahan mo ko..”
“Saan?”
—
Ito yung mga panahon na maiisip mong hindi ka makakatulog sa mga susunod na araw. Lalo pa kung kayo yung tipo ng magkarelasyon na hindi nagkikita. Araw ng linggo nung araw na yun, dalawang linggo na kaming hindi nagkikita. Gusto ko kasi na makapagpahinga siya kapag may libre siyang oras. Isa sa mga bagay na gusto ko at patuloy kong mahahalin kay Seed eh sobrang sipag niyang uri ng lalake. Papasok siya sa umaga sa eskwelahan at papasok naman sa trabaho sa gabi. Kung tutuusin, hindi naman niya kailangan magtrabaho. Buong suporta ang mga magulang niya sa kanya pero sabi niya, hindi raw habang buhay niyang iaasa sa mga ito ang tagumpay niya sa buhay. Simula third year highschool, nagsimula na siyang kumita ng pera mula sa pagmomodel. At simula nung unang sweldo niya mula dun, hindi na siya tumanggap ng kahit ano mula sa mga magulang niya.
Ako pa naman yung tipo ng babae na gusto ko lagi akong binibigyan ng oras, kahit man lang dalawang beses sa isang linggo makita ko yung nakakapagpagaan ng loob ko, yung mga ngiti niya. Siguro nagsasawa na kayo sa paulit-ulit kong pagsasabi kung gaano ko kamahal ang mga ngiting yun.
Dalawang linggo bago kami hindi magkita. Pinipilit niyang makipagkita sa akin. Ako, (which is nakakagulat) ang tumatanggi at pinipilit ko siyang magpahinga, matulog at bantayan ang kain niya. Siguro, totoo nga na kapag mahal mo talaga ang isang tao, ikaw ang magbabago, ikaw ang magaadjust, finally, minsan sa buhay ko. Inisip ko ang kapakanan niya, at hindi ang kapakanan ko.
Sa pagkakataong ito, ayoko ng tumanggi. Mamamatay na ata ako kapag lumipas pa ang isang linggo na hindi kami nagkikita. Para akong naiihi, gusto kong tumalon, gusto kong tumili. Magkikita na kami, hindi niyo alam kung gaano ko siya kamiss.
—-
Bago matulog, gusto ko siyang tawagan. Lunes na.
Pinipigil kong tagawan siya, alam kong nasa trabaho siya at bawal siyang makipagusap sa akin. Pero, hindi ko mapigilan, gusto kong marinig ang boses niya. hangga’t maari, gusto ko siya laging tawagan. Gusto na minu-minuto malalaman niya kung gaano siya kahalaga sa akin at kung gaano ko siya kamahal, baliw na ata ako sa pag-ibig. Pero ang mas masarap? Yung pinararamdam niya sayo na mas baliw siya sa pagmamahal sayo. Masarap, sabi nga minsan ka lang makaranas ng libre, Tama. Minsan ka lang din makaranas ng pagibig na ibibigay sayo higit sa binibigay mo sa kanya, at kung nararamdaman mo yun, wag mong pabayaang mawala.
“Hey..”
Pagkatapos ng limang ring.
“Are you at work? Sorry baby, gusto ko lang sabihin na..” Sagot ko habang medyo kinikilig pa.
“I know.. I know..” Sagot niya, alam ko na kahit hindi ko siya nakikita, nakangiti siya nung mga panahon na yun, na kinikilig siya.
Kung magkasama kami, malamang may unan nanaman yun na nakatakip sa mukha niya.
Ako, ako ang mas madalas magsabi ng “Mahal kita” o “I love you” sa kanya. Hindi ko alam kung kasama ba yung pagsasabi ng mahal kita sa ugali niyang ayaw ng paulit-ulit. Pero, hindi ako naiinis o nagdedemand, kahit naman kasi na hindi ko naririnig mula sa kanya, nararamdaman ko araw-araw. Kahit pa magkalayo kami.
Sa tuwing nararamdaman niya na sasabihin kong namimiss ko siya o mahal ko siya. Sasagot na siya sa akin agad ng “I know..”
Ayoko naman siyang gayahin na hindi nagsasabi ng ganun dahil naniniwala akong maikli lang ang buhay, maaring bukas, isa sa amin ang mawala. Ako o siya, atleast nasabi ko kung gaano ko siya kamahal bago mangyari yun. Na bago ako mamatay, yun ang magiging huling salita na maaalala niya sa akin. Ako kaya? Napaisip ako, ano kaya ang magiging huling salita niya sa akin?
Ang daming naglalaro sa isip ko, bago pa ako nakasagot.
“Haha, Sige.. yun lang naman.. Gusto ko lang marinig ang boses mo, gusto ko lang malaman na okay ka, na wala kang sakit..” sabi ko sa kanya, nakangiti.
“Hindi ako magkakasakit, don’t worry. I won’t let that happen. Ayokong may ibang mag-alaga sayo, habang ako nakalatay sa kama at nagpapahinga dahil nagkasakit ako..” Sabi niya at mahinhin na tumawa.
“…” Wala na, talo na ako.
“Hey baby, I’ll call you soon. I’m sorry, medyo busy lang.” Pahabol niya.
“Okay, Seed.. I lov—”
“Yes, I know. Lagi kong tatandaan yan, I’m really sorry I have to go.. You know I lo— (Hindi niya talaga ito tinutuloy, maraming beses nang ganyan. Hindi niya tinatapos yang salitang yan.) I really have to..” Sagot niya.
“Okay, Bye..” At binaba ko na ang cellphone ko.
kahit na ganun lang kami magusap, kinikilig ako. Feeling ko magkasama lang kami, parang hangin nung una ko siyang hinanap after MRT incident, lagi ko siyang nararamdaman kahit malayo siya sa akin. Na parang habang kausap niya ako, nasa likod ko siya, nakayakap habang bumubulong.
——
“Wala paring nagbago..”
Araw ng Biyernes.
Day-Off niya, Wala din naman siyang pasok sa eskwelahan.
Hindi ko alam kung para saan yung walang nagbago na mukha parin akong bangkay dahil puyatera ako. (Ano pa bang aasahan niyo? Hindi ako nakatulog ng maayos kakahintay sa araw na to) or—- maganda parin ako sa paningin niya pagkatapos ng dalawang linggo na hindi kami nagkita. Well, atleast ngayon, hindi kami magkagalit or wala kaming naging away. Wala kaming kailangan pag-usapan para maayos.
Yun ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam. Kikitain mo siya, at kikitain ka niya dahil namiss niyo ang isa’t-isa.
“Wala paring pinagbago…”
“Ano? mukha parin akong zombie? dahil hindi ako natutulog? Sorry, Seed hindi ako makatulog, dapat hindi mo muna sinabi sa akin nung sunday na magkikita tayo ngayon.. ayan tuloy….” Hindi na ako natapos sa pagsasalita. Bigla kasi siyang lumapit sa akin, nilapat ang daliri niya sa mga labi ko at sinabing..
“Shhhh..”
Sabay niyakap ako.
“maganda ka parin.. hanggang ngayon.. Bukas.. sa susunod pa… sa susunod na linggo…”
Habang humihigpit ang hawak niya sa akin.
Kinurot ko ang tyan niya.
“hahaha…” Ayan nanaman ang tawa niyang, binibihag ng pauli-ulit ang puso ko.
“Tara na…” Hinawakan niya ang kamay ko at sumakay na kami sa sasakyan niya.
—-
Habang nasa loob ng sasakyan, at nakatingin sa hindi pamilyar na lugar. Habang nakahawak ang isa niyang kamay sa kamay ko at ang isa sa manibela, nagtanong na ako.
“Seed, saan tayo pupunta?” Sabi ko.
Ngumiti lang siya, yumuko at tumingin sa akin.
“Sa future..”
“Sa future?” pagtataka ko.
“Basta..” at ngumiti nanaman siya.
—-
Naaalala niyo ba nung sinabi kong darating ang araw na ikwekwento ko sa inyo yung araw na first time niya sinabing “Mahal kita?” Ngayon, ngayon ang araw na yun, Saan? Dito..
“Seed? anong ginagawa natin dito sa sementeryo?”
Yumuko siya sa bandang likuran ng sasakyan at may kinuhang bulaklak.
“Dadalawin natin si Ate..” Sabi niya.
Hindi ko alam na may yumao na palang siyang kapatid. Nakakahiya, mahal na mahal ko tong taong to pero wala man lang akong alam na may namaalam siyang kapatid, kapatid na isa sa mga minahal niyang tao simula palang nung pinanganak siya. Paanong nangyari na hindi ko yun alam?!
“I’m sorry.. Hindi ko alam.. na..” Sagot ko habang naiiyak.
“Hahaha” sabay tawa niya sa akin.
“Okay lang… Hindi mo kailangang umiyak.” Sabi niya at hinawakan ang kamay ko para sabay kaming maglakad sa puntod ng ate niya.
Nilapag niya ang bulaklak sa bandang apelyido ng nasa puntod. Ginawa niya siguro yun para hindi ko malaman ang surname ng pamilya nila. Oo, wala akong alam. Kung may tinatago man siya sa akin, hindi ko na gagawan ng paraan para malaman kung ano man ang mga yun. Kapag tinago sa akin, ibig sabihin hindi ko deserve malaman or hindi ko dapat malaman or ayaw niya akong masaktan. Ganun lang naman yun.
“Kung ako ang andyan, kung multo pala ang nasa harap mo ngayon… iiyak ka ba? magagalit sa akin dahil iniwan kita? paano kung wala na ako ngayon?” banggit niya habang tila nagdadasal ng nakaupo sa harap ng puntod.
Hindi ko alam kung sino ang kausap niya, kung ako ba o yung ate niya kaya hindi nalang ako sumagot.
“Iiyak ka ba?” Inulit niya.
“ha?” tanong ko ulit.
“Magagalit ka ba sa akin?” tanong niya ulit.
“Seed,” Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot.
“Wag ka ngang magsalita ng ganyan..” Paiyak ko ng sinabi.
“hahaha” Sabay bigla siyang tumawa.
“Nerbyosa ka…” pahabol niya.
“Naiinis ako sayo..” Sagot ko, lagi siyang ganito. Ang hilig niya mantrip.
“Ang cute mo kapag naiinis ka..” Sinabi niya sabay biglang ngumiti. “Halika ka nga dito.”
Niyakap niya ako.
Kung may isang sweet pa na bagay na ipagmamalaki ko about kay Seed? Ang hilig niyang yumakap, lagi.. palagi.. hanggang sa nasanay na akong yakapin siya, parang naging droga na ito sa akin.
Niyakap niya ako at humawak siya sa likod ng ulo ko.
Huminga ng malalim.. At sinabing..
“Mahal na mahal kita.”
“Mahal na mahal na mahal na mahal kita…”
“Sobra..”
Yun ang unang beses, para akong nasa ulap. Para akong first time nahalikan, yung pakiramdam. Parang unang beses ko ito na nagmahal.
“I know..” Sagot ko.
Sa pagkakataong ito, ako naman ang nagsabi ng salitang inulit-ulit niya sa akin.
“sa lugar na to, kung saan umiiyak lahat ng tao..”
Hindi na ako sumagot o nagsalita, nakikinig ako habang nakayakap siya sa akin.
“Sa lugar na to, kung saan umiiyak lahat ng tao, gusto kong maalala mo to bilang isang masayang ala-ala. kapag dumating ang araw na iwan kita, gusto kong maalala mo lahat ng masasayang nangyari sa atin, wag kang iiyak.. Sa madidilim at pinakanakakatakot na lugar sa isip mo, andyan ang masasayang ala-ala.. Wag kang iiyak..”
Umiling lang ako.
“Gusto ko kapag nagaaway tayo, imbis na isipin mong napapagod ka na.. o isipin mong gusto mo na akong iwan. Gusto kong isipin mo na ako, hindi ako mapapagod, maaring magpahinga ako, pero hindi kita iiwan. Hindi ako mapapagod.”
Yun ang unang beses bukod sa pagsasabing mahal niya ako, umulit siya ng salita, habang pahigpit ng pahigpit ang hawak niya, sinabi niyang hindi siya mapapagod.
“Seed..” sabi ko.
“Hmm?” Sagot niya.
“Mahal na mahal kita..” Sinabi ko.
“I know..” sabi niya.
Hindi na niya ito muling inulit.
Seed 5.5

“Iiyak ka ba kapag nawala ako sayo?”
“Hindi” Habang nakatitig siya sa mga bitwin nung gabing yun. Nakahiga kami sa ibabaw ng kotse niya. Sinabi ko noon na gusto kong maranasan yung mga napapanood ko sa pelikula.
“Kapag nawala ka, hindi ako iiyak..” Paulit niya pang sinabi.
Sasagot palang sana ako kung bakit pero bilang siyang tumingin sa akin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
“Ayokong sayangin ang oras na umuiiyak lang ako imbis hanapin kita.” Sabay ngumiti siya sa akin at kumindat.
Habang nakatitig sa mukha niyang naiilawan lang ng liwanag ng buwan. Naluha ako, naramdaman ko ang malamig na luha sa aking mga mata.
at muli kong binalik ang tingin ko sa madilim na kalangitan na nababalot ng ganda, ang daming bitwin ng gabing yun.
“Minsan..” Bigla niyang sinabi.
“Minsan ayaw kitang kausapin.. pakiramdam ko kasi lagi kitang pinapaiyak..” Sabay tumingin siya ulit sa akin.
“Hindi ako nagsasawang tingnan yung mukha mo, kahit hindi naman talaga ako nakatingin sayo..” Sabi niya.
Bigla niyang tinaas ang kamay niya at sinabing..
“Tingnan mo yun, Three kings..”
“Hindi ako magaling sa constellations” Sagot ko.
“Ako rin naman..” Sagot niya.
“Ikaw anong nakikita mo?” pahabol niyang tanong sa akin..
“Stars? Hindi nga ako magaling sa constellations..” Sagot ko, “Ikaw? ano bang nakikita mo?”
—-
Siguro iisipin ng karamihan na napaka-perpekto na nang buhay ko. Pero wala akong panahon magpaliwanag sa mga tao kung bakit hindi, hindi perpekto nag buhay ko. Hindi ko nga alam kung meron pa bang magandang natitira sa akin, bukod kay Seed. Isang taon na kami, parang ang bilis ng panahon. Ang dami na naming pinagdaanan. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nag-away at nagbati, pero kahit ilang beses na yun, hindi pare-pareho ang dahilan dahil si Seed ang tipo ng tao na ayaw ng umuulit na bagay.
kahit anong bagay na uulit, ayaw niya.
Hindi kayo maniniwala, Hindi. Siguro. na sa isang taon na yun, Isang beses niya lang ako sinabihan ng “Mahal kita.” Gusto ko sanang ikwento yung una at huling beses niyang sinabi yun pero sa tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon. Nagdemand ako noon at muntik nang mauwi sa hiwalayan. Siya ang tipong lalake na gagawin pero hindi sasabihin. Alam ko pangarap ng mga kakababaihan yung Ginagawa kesa sasabihin. Ako? wala naman akong gusto, kung ano ang binigay sa akin, tatanggapin ko.
Naaalala ko nung minsang nanonood kami ng movie sa bahay. A Lot Like Love ang pinanood namin nun, imbis na imarathon namin ang SAW. Napagkasunduan namin na romantic night kami ngayong gabi at dahilan sa gusto naming iwasan maging intimate at mauwi sa kung ano, naglagay kami ng duck tape sa gitna naming dalawa.
Siya ang may idea nun, sabi niya, minsan gusto niyang maramdaman na awkward kami sa isa’t-isa, na parang katulad kami noon nung nagsisimula palang kami. Yung excitement na “paano kaya kapag hinalikan ko to?” Gusto niyang maramdaman na kapag magkasama kami, lagi naming first time.
Yun ang isa sa mga bagay na lubos kong minahal sa kanya.
Ayaw niyang mawala yung importansya ng pagkakaibigan sa amin, saan man kami makarating. maghiwalay man kami o kung ano man. Pero sabi niya impossible daw yun na walang maapektuhan kapag naghiwalay kami, kaya ito. Thrice a week, nagprapraktis kami na parang lagi naming first time.
“Honestly, if you’re not willing to sound stupid you don’t deserve to be in love.” Sabi ni Emily sa Pelikula.
Isa pang nakakatuwa Kay Seed na dapat niyong malaman eh iyakin siya sa mga romantic movies at madalas niya gawing joke ang mga horror o suspense na pelikula. Alam mo nang iiyak siya kapag nagtakip siya ng unan.
“Alam mo, hindi ako madalas manood ng romantic movies.” Sabi niya sa akin.
“Wag kang maingay nanunuod ako!” pinatatahimik ko siya.
Minute niya ang pinapanood namin at nagsalita siyang ulit. Alam ko na kapag ganun, kailangan ko siyang pakinggan.
“Ipause mo nalang!” Sabi ko, hooked na hooked na ako sa palabas.
“Do I look stupid to you?” Tanong niya.
“Ha? Ano ba yang pinag-sasabi mo?” pagtataka kong tanong.
“Well, If not, then listen to me.” Sabi niya, seryoso na ang mukha niya.
“Sya, oh bakit ka naman hindi nanonood ng romantic movies?” Sabi ko.
“Kasi, paulit-ulit sila..” Sabi niya at biglang ngumiti.
Hindi mo alam kung maasar ka dahil halatang nangaasar siya o palalagpasin mo nalang kasi ang cute niya.
“Ang daming babae na gustong magkaroon ng mala-pelikulang love story, hindi ba nakakainsulto yun na scripted ang love story mo?” Tanong niya sa akin.
“Natural lang yun kasi ang perfect ng mga palabas sa pelikula, alam mo yun nakakakalig..” Sagot ko.
“Hindi ako kinikilig, alam ko na mangyayari, napakapredictable ng mga romantic movies.” Sagot niya..
At biglang binalik na niya ang sounds ng pelikula.
“Ayokong magkaroon ng kopya yung atin, walang remake, walang script…” pabulong niyang sinabi.
“Ano kamo?” Tutok na tutok na ako sa pelikula, pero kahit maingay at wala ang full atention ko sa kanya.. Narinig ko siya, gusto kong ulitin niya yung sinabi niya.
“Wala.. bingi!” Sabay tawa siya, yung tawang alam niyo na. Sawa na siguro kayo kapag dinidescribe ko ang mga tawa niya.
“Kung…” pahabol niya. Aba to, hindi na nahinto kakadaldal..
“yes?” sumagot ako para lang masabi na pinakikinggan ko siya.
“Kung magiging pelikula ang love story natin, anong title?” Tanong niya.
“Seed” Sabi ko.
“Ah..” Sabay tungo niya.
“Ayoko ng manood..” Tumayo na siya at humalik sa noo ko, matutulog na ako.
“Ha? ano ba yan ang KJ mo..” Painis kong sinabi.
“Alam ko na mangyayari diyan, magkakaroon ng kasalanan si Ashton Kutcher dyan tapos haharanahin niya si Emily, sus ang cliche!” Sabi niya sabay nagsimula ng lumakad papunta sa kwarto.
Wala siya sa mood nung gabing yun. Siguro dahil sa ducktape? Hindi niya ako mayakap o pwedeng ayaw niya talaga yung movie. or pwedeng siguro napanood na niya, pinilit ko kasing gusto kong panoorin kahit na alam kong ayaw niya ng paulit-ulit.
Wala siya sa mood nung gabing yun.
—-
Kinaumagahan, nagising ako na nasa kama na ako at nakatitig siya sa akin. Binuhat niya ako mula sa sofa papunta sa kama.
“Ang sarap ng tulog mo miss..” Habang nakangiti siya sa akin.
Tumitig lang din ako sa kanya.
“Gutom ka na?” Tanong niya sa akin.
Umiling lang ako para ipahatid sa kanya na hindi.
Bigla siyang tumayo at pumatong sa akin, sabay bigla akong kiniliti.
“Maligo ka na!” para ko siyang nanay at para akong elementary na pinipilit niyang maligo dahil kailangan ng pumasok.
“Gusto mo ng heavy breakfast?” Tanong niya..
“Ikaw ang bahala” Sagot ko.
Binuhat niya ako at hinalikan, dahan-dahan, papunta sa sala, inihiga niya ako sa sofa.
“Sus, Sexy ka naman.. Hindi ka naman tumataba, kainin mo tong lulutuin ko ah?”
At nagsimula na siyang magluto.
—-
Pagkatapos namin kumain, sinabi niyang mamasyal kami. Taglagas na nung mga panahon na yun. Sinabi niyang maganda magshoot kapag kulay redorange at brown ang paligid, dala ng mga nalalantang dahon mula sa puno. Hindi lang pala siya cook, hindi lang siya magaling mag-gitara, hindi lang siya gwapo, hobby niya rin ang kumuha ng litrato. At ang model? Ako. :p
—-
“Halika ka na.. ako naman ang kukuha sayo…” Sabi ko.
Habang tumatakbo sa daan. Hindi mo aakalain na nasa pilipinas parin ang location dahil sa ganda na kulay na dala ng sunset at tag-lagas, hinahangin ang mga nalalantang dahon mula sa puno..
“Ngumiti ka lang…” Sabi niya.
teka? parang hindi na ako pinipitchuran, vinivideo na ako.
“Ngumiti ka lang.. Yan lang ang script mo.” Sabi niya sa akin.
Kahit na hindi ko siya maintindihan, ngumiti ako, napapangiti ako habang kahit natatakpan ng camera ang kalahati ng mukha niya, nakikita ko parin siyang ngumiti. Yung ngiti na hindi ko pagsasawaan.
Huminto siya sa pagsunod sa akin.
“Bakit?” tanong ko.
“Wala lang…” Sagot niya.
Bigla siyang lumapit sa akin, niyakap ako, hinawakan ang ulo ko at hinalikan ako sa buhok.
“Kapag nawala ba ako, iiyak ka?” Tanong niya sa akin habang nakahalik parin sa buhok ko.
“Oo naman…” Sagot ko.
“Kapag nawala ako, Wag mo akong hahanapin, wag mo akong hihintayin.” paseryoso niyang sinabi.
“Natatakot ako sa sinasabi mo, baka naman mamaya mamamatay ka na.” pabiro ko pa sa kanya.
“Baliw” Sabi niya sa akin habang humihigpit ang yakap niya.
Ang ganda siguro ng scene na yun kung mala-pelikula lang ang buhay naming dalawa, habang niyayakap niya ako ng mahigpit, lumakas ang hangin at nalaglag at lumipad ang mga tuyong dahon, parang Endless Love lang.
Kahit papano, masasabi kong natupad ang isa sa mga pangarap ko na maging mala-pelikula ang Love story ko.
“babalik ako..” bulong niya.
“Yun lang ang gusto kong gawin ng paulit-ulit.”
—-
At sa dinami-daming pagkakataon, naluha nanaman ako.
—-
Yun ang tanging scene na nagflashback sa akin habang tinititigan ko ang liwanag ng buwan na naglalaro sa mukha niya. Kaya siguro andito kami sa ibabaw ng sasakyan, nakahiga. Parang yung ginawa ni Emily at Oliver sa A Lot Like Love. Narealize ko na unti-unti niyang tinutupad ang pangarap ko na love story ng katulad sa pelikula.
”..hhmm?” Patanong niya sa akin.
“Hindi ako magaling sa constellations” Inulit ko.
“Ako rin naman..” Sagot niya.
“Ikaw anong nakikita mo?” pahabol niyang tanong sa akin..
“Stars? Hindi nga ako magaling sa constellations..” Sagot ko, “Ikaw? ano bang nakikita mo?”
Tumingala siyang muli sa kalangitan at parang nagkunot noo.
“Hmmmm”
Sabay ibinalik ang tingin sa akin at sumagot ng
“Ikaw lang.”
Seed 5

Isang linggo ang nakakalipas simula nung una ko siyang makita.
“Seed..”
Habang sinusuyod ko ang mataong lugar sa stasyon ng Tren.. Hindi ko na siya nakita, siguro, hindi na yun mauulit. Siguro isa lang siya sa mga taong kailangan kong makita sa isang araw, at hindi ko na makikitang muli. Katulad ng mga taong bumabangga sa akin o bigla kong natitigan mapa-byahe sa jeep o FX man. Siguro wala siyang pinagkaiba, Siguro hindi na kami magkikita, pero ayaw ko mawalan ng pag-asa. Parang sa unang beses na nakita ko ang mga ngiting yun, may kung ano siyang kinuha sa akin, wallet? Hindi, higit pa dun, ang isip at puso ko, kapalit ng MRT ticket? Card?
Napapangiti nalang ako sa tuwing maaalala ko kung paano niya sinabi yun. Kahit pakinggan ko yun paulit-ulit, hindi ako magsasawa. Kung pelikula lang ang pangyayari na yun, makakaisang libong beses ako sa kakapanood nun sa isang araw. Siguro nga baliw na ako, siguro. Hindi ko alam, basta alam kong magkikita kami ulit. Gusto ko siyang maging bida sa pelikula ng buhay ko.
Si Seed.
Nakakatawang isipin na hindi naman ako madalas Mag-MRT, nung araw na yun, nung araw na nakilala ko siya. Nagkataong late na ako sa pinapasukan kong trabaho. Ayoko sa mainit, sa mataong lugar. Feeling ko mahihimatay ako. Nadala na ako nung minsang nagMRT ako at bigla akong nahimatay. Sa sobrang pagmamadali at ayokong makipagsapalaran sa traffic, sinuong ko ang mataong lugar sa estasyon. Totoo nga na may dahilan ang lahat ng bagay. Tinanghali akong gumising, hindi pa ako bumangon, binilisan kong maligo, hindi na ako kumain at POOF! nagdesisyon akong mag-tren
Magtren. Pabalik, kung maaga akong nagising, hindi ko makikilala si Seed.
POOF! totoo ngang everything happens for a reason, paano kaya kung tinanggap ng machine yung mga piso at dali-dali akong sumakay ng tren? Paano kung doon mismo sa pila na may sukli ako pumila? Nagkita kaya kami? Hindi.
kaya nagpapasalamat ako na hindi ako nagising ng maaga.
Wala din, dala ko ang camera ko nun pero hindi ko siya napichuran. Wala akong ibang nagawa kundi picturan ang kamay ko hawak ang MRT ticket? Card? na galing sa kanya. Alam niyo ba? Hindi ko yun ginamit. Bumili ako ng bago, pumila ako ulit. Yun ang unang bagay na iniwan sa akin ni Seed.
Siguro nga hindi na kami magkikita, pero atleast alam ko na hindi ako nananaginip. Hinawakan kong maigi ang card.
“Magkita pa kaya tayo ulit?”
—-
pagka-uwi ko galing sa trabaho nung araw na yun. Kahit pagod at gusto ko ng matulog, kumuha ako ng notebook, nagsimula akong magsulat. Hindi ako mahilig sa mano-manong diary—mabilis kasi magpasma ang mga kamay ko. Mahilig lang ako magblog. Pero sa dinami-dami ng taong naiblog ko sa buhay ko. Malamang hindi na maging espesyal sa mga mambabasa ko si Seed. Kikiligin sila ng kaunti at wala na paglipas ng araw, malilimutan na nila ulit yun, at ako siguro. Ilang araw, malilimutan ko narin siya tulad ng mga taong blinog ko noon. Yung tipong may nakakairitang tulog na lalake sa FX na sandal ng sandal sa akin, at yung mga bata sa kalye na parang sirang plaka sa “Te, pengeng barya.” lahat ng nangyayari sa akin blinog ko.
Nagdalawang isip ako kung ibloblog ko ba siya at ishashare sa tao, ayokong makalimutan siya ng mga mambabasa ko, ayokong maging isa lang siyang entry. Pero? pwede ba akong mablog ng tungkol sa kanya araw-araw kahit isang beses lang naman kaming nagkita?
Walang pagaatubili. nagblog parin ako kahit na ang daming dahilan para hindi, pero yung nagiisang dahilan ang sinunod ko, AYOKO SIYANG KALIMUTAN. Ayoko siyang kalimutan, ayoko.
Blinog ko siya, marami ako nakuhang feedbacks sa storya ko nung araw na yun. maraming nanghingi ng litrato. Hindi ko naman sila masisisi, kahit ako, maghahanap ako ng picture kung ang pagkakadescribe sa kanya ay parang almost-perfect-guy. Pero hindi naman natin masasabi na perpekto ang isang tao base sa mukha niya o kilos, yung mukha niya, Oo siguro perpekto. Pero dahil hindi ko pa siya kilala, hindi ko pa siyang nakikitang tumubo, hindi ko pa alam kung gaano siya kaganda sa labas at loob. Seed palang siya sa akin.
Sinabi nila na sana raw ay magkita kami ulit, ako man yun ang hiling ko. At dahil ayoko siyang kalimutan, pinangako ko sa sarili ko na araw-araw ko siyang susulatan hanggang sa magkita kami ulit. Hindi ko alam kung kaya kong panindigan. makipagcommit sa hangin, sumulat sa hindi ko alam kung darating.
Pangalawang araw, kahit na pagod at gusto ng matulog.
Nagsulat ako ulit.
Seed,
kagabi, nagpuyat ako para tanghaliin ako ng gising. Nagbabakasakali na tulad kahapon, makita kita. Hindi ko alam kung anong oras ang pasok mo o lagi ka bang nasa MRT, hindi ko ginamit yung Ticket? card? na binigay mo. Gusto kong gamitin to, kapag kasama na kita, sabay tayong sasakay. Minsan lang ang libre, sabi mo. kaya nga ayokong sayangin ang libre, dahil minsan lang to. Baka hindi na maulit.
Hahaha, nakakatawa ba ako? Sana mapatawa kita balang araw kapag nabasa mo to. Kung gaano ako ka-willing malate, makasabay lang ulit kita. Gusto kong marinig ulit ang mga tawa mo. Yung tawa mo na parang tawa ng babae. Nakakaloko, nakaka-adik. Nasaan ka na kaya ngayon?
—-
Sa pangatlong araw, pangatlo.. pangapat..
Paulit-ulit lang ang sinusulat ko. Imbis magblog ako, lagi ng Dear Seed ako naguumpisa. Walang pinagbago, para kang papel, para kang blog. nagkwekwento ako, alam kong may nakikinig pero hindi ko naman nakikita’t-nakakausap. Kahit na sa ngayon at maituturing kitang hangin, at least, nararamdaman kita.
paulit-ulit hanggang sa nagsawa na ang mga mambabasa ko.
Sabi nila, gusto na raw nila ng ibang kwento. Nabawasan ang mga interesadong magbasa ng blog ko. nalungkot ako dahil hindi ko maparamdam sa kanila kung gaano ako kasaya, kung gaano ko gustong ishare sa kanila si Seed. Si seed na parang hangin, Si Seed na hindi na yata darating.
Pero, kahit na ganun, hindi ako tumigil, nagsulat parin ako, nagsulat ako nang nagsulat na parang lagi ko siyang kausap.. “Dear Seed, alam mo ngayong araw…..” karugtong ang madrama o masayang pangyayari sa buhay ko. Araw-araw.
Hindi ako napagod magsulat, doon. Inisip ko nang, In relationship ako kay Seed. Siya ang naging imaginary Boyfriend ko.
…
Araw-araw bago sumulat ng panibago, binabasa ko lahat ng blog entry ko sa nakalipas na ilang linggo. dalawa? Hindi ko alam.
Paunti-unti parang pinanghihinaan na ako ng loob, Sabi ko pa, siguro kailangan ko nang mag-move-on, siguro nga phase lang siya sa buhay ko. Pinagdasal ko pa na sana magkita kaming muli, hinanap ko siya, hinintay sa MRT Station. Pero wala, parang pinapaasa lang ako ng tadhana.
…
Nung gabing umuwi ako, pagod at gusto ng matulog. Natulog ako, hindi ako nagblog, wala. Wala akong naramdaman. Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na ako kakatitig sa kisame at kakaimagine sa mukha nya, medyo blurry na. Hindi ko na halos matandaan.
Nalate ako ng gising kinabukasan, hindi muna ako agad bumangon. ang bilis ng oras, wala akong ibang choice kundi mag-MRT muli dahil sisipain na ako sa trabaho sa sobrang tardiness ko, lagi akong late. lagi akong late nung nainlove ako. Sabi ko sa sarili ko, huling araw na to. Ayoko na.
Habang nilulusot ang mga piso sa machine, puta! ayaw nanaman tanggapin! ayun nanaman yung init ng ulo ko nung una kaming nagkita. Mas nakakainit pa ng ulo nung tumingin ako sa paligid at alam kong wala na talagang Seed na darating. Wala na.
Sa sobrang haba ng pila sa likod ko, at pila sa may booth na may sukli.
Finally, ginamit ko na ang una’t-huling ala-ala niya sa akin.
Sumakay na ako ng MRT, nakatulala sa gumagalaw na mga gusaling dinadaanan nito. Blanko ang isip ko.
Kailangan na palang bumaba.
Yun na ang huling sandali na mahahawakan ko ang ticket? card? na binili niya para sa akin.
Parang nagslowmo ang buong paligid nung malapit na akong lumabas.
Kapag nilusot ko to, wala na. Hindi ko na to mahahawakan ulit.
Bye Ticket? Bye Card? Bye Seed.
Palusot na sana ang card ko ng biglang may humawi sa kamay ko at sinubukang ipasok ang card niya. Aba puta! Hindi makapaghintay? Inis na inis kong sinabi sa isip ko.
Mumurahin ko na sana ang hindi makapaghintay na tao sa likod ko, bakit kailangan mong isingit yang card mo? eh nasa unahan mo ako..
“Put…” Pamura na ako ng bigla akong mapahinto.
Sumalubong sa akin ang maganda niyang ngiti.
“Lumabas ka na, hindi araw-araw makakaranas ka ng libre…” sabi niya sa akin.
Niyakap niya ako mula san likuran at sabay kaming lumabas pagsuot niya ng kanyang MRT card, buti nalang hindi kami nahuli dahil sa dami ng tao. Nagkasya kaming dalawa dun sa labasan.
“hahahaha” Sabay tawa niya.
Shit, hindi ako makapaniwala, habang hawak hawak ang Ticket? Card? na iniingat-ingatan ko. Hindi na niya kailangan mawala sa akin. Hindi niya kailangan magpakain sa machine, nasa kamay ko parin siya.
“hahahaha…” hindi parin natigil ang malambing niyang tawa.
“Nakakadalawa ka na sa akin..” Sabi niya.
“Ha?” Pagtataka kong tanong.
“Nakakadalawa ka na sa akin, lagi kitang nakikita dito..” Sabi niya.
Shit?! lagi niya akong nakikita? pero bakit siya, hindi ko makita?! hindi ko alam kung titili ako.. o ano, pero hanggang sa nagkita kami ulit, nastunned nanaman ako, para nanaman akong bato na hindi makagalaw.
“Palagi?” tanong ko na parang gusto kong ulit-ulitin ang sinabi niya.
“oo, palagi.. pero ngayon lang ako nakalapit sayo ulit..” sabay ngiti niya.
“Mukha kasing napapatrouble ka nanaman..” pahabol niya.
Halata ba? halata bang nagdadalawang isip ako kung ilulusot ko yung card o hindi? Halata ba na ayaw ko yun bitawan.
“Ugali mo ba talagang magipon ng pila sa likuran mo?” tanong niya habang nagpipigil ng tawa.
“Hindi naman…” Patatawa kong sagot.
“Okay, just want to make it clear..” Sagot niya.
Bigla niyang tiningnan ang kamay ko kung saan hawak hawak ko ang card.
“Ano bang meron diyan? bakit ayaw tanggapin?” tanong niya.
“Hindi ayaw tanggapin.. Hindi ko lang pinasok.” Sagot ko.
“Bakit? ano bang meron diyan? picture ni Gloria? o magandang photography ng tren?” banggit niya habang nakatingin sa malayo.
Buti nalang at kinakausap niya ako ng hindi siya nakatingin sa akin. Kung hindi, para nanaman akong bato o pwedeng maging instant bulol ako.
“Patingin nga..” Sabay hawak niya sa braso ko at kinuha niya ang Ticket? card?
“Wag…”
“Ahhh, Ito yung binigay ko sayo..”
Ha? paano niya nalaman na yun yung Ticket? Card? na binigay niya sa akin.
“Nilagay ko yung pangalan ko dito..” Sabi niya..
“Pero, wala na ata nabura na…” pahabol niya.
“Ha? asan?” Hinablot ko ito mula sa kanya, ang tanga ko! Sa isip-isip ko, andun pala yung pangalan niya. Ni hindi ko man lang nakita. Napansin niya sigurong hinahanap ko yung pangalan niya doon.
“Paano mo nalaman na ito yun?” tanong ko.
“Actually, hindi ko alam na yan yun. Tinitingnan ko lang kung ginamit mo yung binigay ko sayo. Looks like, you didn’t.”
“Paano mo nalaman na ito yun?” Strike 2 ng katangahan, obvious na obvious. Sa pagtatanong ko palang nun, alam na niya na tinago ko yung card na binigay niya sa akin.
“Kung uulitin mo yan, sasama ang loob ko..” Sabi niya.
“Sobrang nalate ako nung araw na binigay ko sayo yan dahil napansin kong mas nagmamadali ka kesa sa akin.. kailangan ko tuloy mag-jeep para makahabol sa klase ko, hindi mo rin pala ginamit.” sabay tawa niya, yung tawa na kahit paulit-ulit kong sabihin kung gaano kasarap sa tenga, hindi ako magsasawa.
“I’m sorry..” nalang ang naisagot ko.
“Okay lang..” Sagot niya habang paunti-unti na siyang naglalakd palayo.
Nagalit na siguro to sa akin, wala na sira na ang mga pangarap ko.
“Teka.. ” Habang inulit ko ulit inspeksyunin yung card na sinulatan niya ng pangalan niya.
“Anong pangalan mo?” pasigaw kong sinabi.
Lumingon siya, ngumiti at sinabi niyang..
Remember when you said ‘forever’? It’s really OK na hindi mo yun natupad, it’s Ok, I’m OK. I’m just really thankful na naisip mo yun..
For a moment in your life you wanted to be with me, FOREVER.
(Source: sinteya)
Seed 4.5

“at kung hindi ako makipagkita?” tanong niya.
—
Darating talaga ang panahon, madalas.. Hindi pwedeng hindi. Kahit gaano pa kahalaga sa iyo o ikaw sa kanya, kailangan niyong iwan ang isa’t-isa.
Ito nanaman kami, parang wala kaming pinagsamahan. Parang hindi namin kilala ang isa’t-isa, totoo nga yung kasabihan na magiging magkaibigan kayo, hanggang sa maging matalik na kaibigan, hanggang maging- ang isa’t -isa na ang inyong mundo. Hanggang kapag may nasira, sa kahit ano mang pundasyon ang ginawa niyo, babagsak kayo bilang maging magkaibigan muli, hanggang sa Hindi na kayo magkakilala. Parte nalang kayo ng buhay ng isa’t-isa, makakahanap ng bago na parang wala kayong pinagsamahan.
Aalis na siya papuntang ibang bansa, Sabi niya doon magiging magandang ang kinabukasan niya, kinabukasan na akala ko, noon— kasama parin ako hanggang ngayon. I guess, desidido na siyang iwan ako at harapin magisa ang kinabukasan niya. Hindi na ako kasama, hindi na ako kasama.
Nakakaiyak kung iisipin, parang noong una lang, nung pangalawa at pangatlo, ang saya-saya niyo pa, siya lang ang tanging nagbibigay sayo ng ngiti, siya lang ang dahilan kung bakit parang ang sarap mabuhay, magmahal. Siya ang naghulma sa akin, sa laki ng parte ng buhay ko ang sinakop niya, hindi ko alam, hindi ko alam kung may natira pa ba sa akin.
Hindi na siya sumulat tulad noon, siya yung tipo ng lalake na ayaw niyang inuulit ang mga bagay na ginagawa niya. Nakakapagtaka, sa pagkakataong ito, walang sulat pero iniwan nanaman niya ako. Hindi ko narin mabilang kung ilang ulit niya ito ginawa sa akin, hindi ko narin binibilang. Palibahasa kasi, yung sakit parang laging first time, laging unang beses. Kung gaano kasakit yung una, ganun parin hanggang ngayon. Hindi ako nasanay, iiyak parin ako, uupo at sisigaw.
Sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung para saan. Para ba tumibay ako ulit o dahil lang gusto niya nang mag-isa. Siguro nagsawa na siya sa akin, siguro napagod na siya. Pero wala naman siyang sinabi, gusto ko na sa kanya magaling mismo ang mga salitang iniisip ko bago ako magpakalugmok.
“Hello?”
Alam ko na hindi niya sasagutin kapag sa sarili kong cellphone ako tumawag. nakigamit ako sa kapatid ko at nagbakasakali ako na baka sagutin niya.
“Seed…”
“Hinihintay kitang tumawag..”
Laking gulat ko na hinhintay niya akong tumawag pero halos isang daang beses na akong tumatawag sa kanya araw-araw pero hindi niya sinasagot.
“Hinihintay mo akong tumawag pero hindi mo naman sinasagot yung tawag ko? ano nanaman ba to seed? natutuwa ka ba sa ginagawa mo sa akin?”
Alam ko na hindi ko dapat yung sinabi, o hindi dapat ako nagdemand nang paliwanag, dapat hayaan ko siya kung anong sasabihin niya sa akin, dapat tumahimik ako. Pero ito nanaman ako sa ugali kong nanunumbat, hindi naghihintay, laging naghahanap ng sagot sa mga bagay na hindi ko maintindihan, siya, explanasyon kung bakit, bakit siya ganun?
“Listen..”
Kating-kati yung bibig ko magsalita ng magsalita at mangaway, sa pagkakataong ito narinig ko siya ng maayos. Hindi ako nakainom, “Listen…” yun lang at binalot na kami ng katahimikan.
“I’m sorry..”
Alam ko, hindi ko ito tatanggapin. Alam ko na nakakasawa, Alam ko nakakainis na bakit sa lahat nalang ng oras. Kapag tinatamad ang tao magexplain, kung hindi “Okay lang ako”.. “I’m sorry” ang lagi nilang sasabihin sayo. Hindi ba nakakapagod na para kang damit na nakahanger, naghihintay matuyo. Lagi kang nakasabit, hindi mo alam kung bibitaw ka ba o mananatiling nakakapit dahil kahit matagal, sisikat ang araw. Darating ang araw—makukuha mo ang sagot, kung maghihintay ka.
Pero kahit na alam kong hindi ko tatanggapin, at least narinig ko siyang magsorry, sincere man o hindi. At least kahit limang porsyento sa isang daan, meron, merong natitirang sincerity na “Nagsosorry ako.. pinagsisisihan ko yung pagkakamali ko sayo” Alam mo yun? Kapag mahal mo kasi, kapag para kayong konektado sa isa’t-isa, kahit ilang pagkakamali, hindi ka mapapagod. Hindi ka nagmamahal kung hindi mo kayang magbigay ng tawad.
“Okay..”
Sa okay na yun, alam ko na alam niyang pinatawad ko na siya. Hindi niya na kailangan humingi sa akin ng sorry paulit-ulit. Naisip ko nalang na kung kaya ko siyang mahalin araw-araw, hindi magiging mahirap sa akin patawarin siya ng paulit-ulit.
—-
“Natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo?” Tanong niya sa akin.
“Ang alin?..”
“Kung may ipapangalan ka sa akin, ngayon.. Sino ako?” sabay buntong hininga niya sa telepono..
”..Hindi ko alam..” Sa pagkakataong yun, parang ang layo niya, parang ang sarap sabihin na “Ngayon, hindi ikaw si Seed…” Pero walang lumabas na kahit ano sa bibig ko.
“Ang lapit mo lang sa akin, pero bakit parang hindi na kita maabot, parang hindi na kita kilala.. parang hindi ikaw yan..”
“Sino ako? Sino ako dati?” Sabi niya.
Hindi ko alam pero kung gagawin ko siyang libro, gagawin kong libro si Seed. Malalaman ng lahat na para siyang puzzle na hindi ko mabuo-mabuo. Sa tagal naming pagkakakilala, nahihiwagaan parin ako sa kanya.
“Hindi na ba ako si..?” Huminto siya bago pa niya sabihing “Seed”
“Seed?” dugtong ko.
Nagbuntong hininga ako na parang pinapahiwatig ko sa kanya na wala nang pupuntahan ang usapan namin.
“Ayaw mo na ba akong makasama? Hindi mo na ba ako mahal?” Eto na, hindi ko na napigilan, iiyak na ako. Sabi ko na, hindi ko dapat binanggit yung “Seed” Ni hindi ko na dapat dinugtungan. Nararamdaman ko na, hindi na siya yung Seed na minahal ko noon, na madami nang nagbago.
“Hindi ko alam..” Ang sagot niya.
“Hindi pwedeng hindi mo alam..” Pagdedemand ko.
“It’s either Oo lang o Hindi.” Pinipilit ko siyang sumagot.
“Hanggang mawala ang huling piraso..” Sabi niya.
Sabay siya naman ang nagbuntong hininga.
“Anong huling piraso Seed!” naiinis kong sinabi at halos mabato ko na ang telepono, kung gagawan ko siya ng quote, yun ang ilalagay ko sa kanya.
“Hanggang mawala ang huling piraso.. - Seed”
Yung tanging quote na hindi ko kailanman naintindihan. Anong huling piraso ba to? Yung tanong na kahit kailan, hindi niya rin sinagot. Hindi siya sumasagot ng mga tanong na ayaw niyang sagutin, hindi mo siya mapipilit. Minsan parang ang sarap niyang itorture para lang magsalita katulad ng mga napapanood ko sa mga gore/morbid na pelikula. Pero, haha. Hindi ko maimagine na gagawin ko yun sa kanya.
“Ayoko ng makipag-usap” Sabi ko.
Minsan parang may kailangang sumuko, magpahinga. Sa tingin ko ako yun nung mga oras na yun.
“Mag-iingat ka nalang…” Ang salitang ayaw na ayaw kong sabihin. Ilang segundo alam ko na hahagulgol na ako, kailangan kong pigilan, kailangan kong ipakita sa kanya na sa pagkakataong ito hindi na ako naaapektuhan. Pagod na akong humabol, pero kaya pa. hahabol ako, magmamakaawa kung kinakailangan. Pero nung mga oras na yun, naramdaman ko nang kailangan ko na talagang magpahinga, siya din siguro. Sa pagilang pagkakataon, malayo kami sa isa’t-isa.
Hindi ba kami pwedeng magpahinga ng magkatabi? magkahawak ang kamay? natutulog ako sa dibdib niya tulad noon o siya sa aking mga hita habang sinusuklay ko ang buhok niya? Gusto kong bumargain sa tadhana.. Pero mukhang ang sagot eh laging “Patawad”.. “tapat na po.”
“Seed..” yun nalang ang nasabi ko.
“Si Seed parin pala ako ngayon” Sabi niya.
“…” Buntong hininga muli.
“Seed…” Sabi ko ulit.
“Gusto kitang makita.. Gusto kong malaman kapag nakita ko yung mukha mo—- kapag nakita kita, kung andito pa ba, kung mahal pa ba kita..”
“At kung hindi ako makipagkita?” tanong niya
“Takot kang malaman na hindi na kita mahal..”
“Siguro nga..” Sabi niya.
Buntong hininga, at bigla siyang tumawa ng mahinhin na parang may luhang kasama ito.
“Hindi mo na ako makikita..” Sagot niya.
