
Seed | Seed 1 | Seed 2 | Seed 3 | Seed 3.5 | Seed 4 | Seed 4.5 | Seed 5 | Seed 5.5 |
Seed 6 | Seed 6.5 | Seed 7 | Seed 8 | Seed 9
"Wag mo akong hahanapin, Wag mo akong hihintayin. Babalik ako"
Seed 1

“umiinom ka ba?”
galit na galit niyang reply sa akin nung minsan akong nalasing. asdfghjkl ang tinext ko sa kanya, yun ang huling text ko sa kanya. Sinabi niya kasi na ayaw na niya, ayaw na niya sa amin. ayaw na niya sa akin. Bakit! bakit ayaw mo na sa akin? paano na yung mga pangarap nating dalawa?
alam niya na ako yung tipo ng babae na hindi umiinom, alam niyang kapag uminom ako mapapahamak ako, alam niya. alam niya na kapag uminom ako, hindi na ako okay.
“nasaan ka?! nasaan ka?!” galit na galit na may halong pagaalala nung tumawag siya sa akin para tanungin kung nasaan ako, hilong hilo na ako nung oras na yun. hindi ko alam kung ako ba ang nagsabi sa kanya kung nasaan ako o yung mga barkada kong kunsintera’t, Kunsintero. medyo malabo narin ang boses niya, alam ko na naririnig niya ako sa kabilang linya, sumusuka na ako. nakakadiri. pero nung mga oras na yun, wala akong ibang gusto kundi makita siya, hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Alam ko na kapag ginawa ko to, mag-aalala siya at magkikita kaming muli.
tatlong linggo niya na akong hindi kinakausap. sabi niya kasi hindi na daw niya kayang pakisamahan ako, lagi daw akong nangaaway ng walang dahilan, lagi daw akong naghahanap
ng away, at kahit anong gawin niya, hindi raw pwedeng dadaan ang isang linggo na hindi kami
nagbrebreak, papansin daw ako.
Ang tapang ko pa nung nakipaghiwalay siya sa akin. “oo! malakas ang loob mo eh, maganda ka kasi! kapag nawala ako, makakandarapa nanaman yung mga manliligaw mo.” “buti alam mo!” sabi ko sakanya. ganun talaga siguro kapag masama ang loob niyo sa isa’t-isa, naturingang
minamahal mo, nasasabihan mo ng mga bagay na hindi mo naman talaga gusto.
kinagabihan nung araw na yun, hinhintay ko siyang magtext o tumawag o magpunta man lang sa
bahay para humingi ng tawad. araw-araw, gabi-gabi. hindi narin kami nagkikita sa eskwelahan,
madalas hindi ko narin matawagan ang cellphone niya, isang linggo ang nakalipas, naisip ko “shit,
hindi ko pala kaya”.
“magbreak na tayo… ” “namimiss na kita..” “seed, please kausapin mo naman ako…” “baby… please parang awa mo na…” “seed, mahal na mahal kita..” “baby, i was wrong, i’m sorry..” “baby, can we meet.” “seed, nahihirapan na ako..” “seed putangina naman…”
sa tatlong linggo na nagdaan paulit ulit ang sinasabi ko, kung hindi mahal ko siya, bukas hihingi ako ng sorry at kinabukasan, galit nanaman ako. Siguro ginawa niya to para maisip ko kung ano
talaga ang problema sa akin. hanggat hindi ako nagiging consistent, hindi siya babalik..
“seed..”
“yes?”
sa wakas habang pangpitong shot ko na nung araw na yun sumagot siya. pagkatapos ng tatlong linggo sumagot siya.
“I love you..”
“I know..”
” alam mo pero bakit mo ko ginaganito? alam mo ba na nasasaktan ako? nasaan ka nung tatlong linggo! halos hindi na ako makakain! nawawala na ako sa sarili ko seed! sabihin mo nalang kung ayaw mo na!”
…umiinom ako!”
“i’m sorry…”
“sorry? yun lang sorry?”
“nasaan ka?”
“wala kang pakialam! wala ka namang pakialam sa akin! pinabayaan mo ako seed! 3 weeks!!!!!!”
“hey, will you please calm down, where are you?”
…
nagsimula na akong umiyak at laklakin yung isang bote na sana ay paghahatian naming lahat. hard, hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko nung nilaklak ko yun. Hindi mo malaman kung matutuwa ka ba sa kanya kapag nagparamdaman siya ulit kung kelan iniwan ka niya ng
matagal. kapag nagparamdaman siya ulit which is yun naman talaga ang gusto mo, mas masakit. Masakit na wala kang ibang gusto kundi iwelcome sya pabalik sayo, yakapin siya hanggang sa maging okay ang lahat.
“cy.. answer my call..”
“baby, please answer my call…”
sa sobrang hilo, wala na akong naalala kundi sinagot ko ang tawag na yun at nagsimula ng
magsuka. blurred na ang lahat.
nagising ako, ang tanging ilaw lang na nagbibigay liwanag ay yung lampshade na binigay niya sa akin.
“hey..”
habang may mainit na palad na nakalapat sa mukha ko. nakauwi na ako, nakahiga sa sarili kong kama. nakaupo siya sa sahig habang hawak-hawak ang mukha ko.
“hey.. baby.. you okay?”
the moment na narinig ko ang boses niya, kahit nahihilo pa ako at nasusuka, alam ko sa
puso ko na okay na okay na okay na ako, eto na yung gamot ko, yung drugs ko, nasa tabi ko na. pero imbis nakangiti, nakita ko ang mukha niyang nagaalala. kahit na ganun, ang cute parin, ang cute cute niya parin.
“masakit ang ulo ko..”
“natural, uminom ka eh…”
“bakit seed? bakit mo ko iniwan, iniwasan moa ko… seed.. baby.. 3 weeks..”
naramdaman ko nang tumutulo ang luha sa mga mata ko. nakakakiliti.
“shhhhh…”
sabay baigla siyang lumipat sa higaan at niyakap ako.
“mahirap din naman yun sa akin.. napakahirap nun.. sobrang hirap.. mahirap pa sa mga exams ko.”
katulad nang lagi nyang ginagawa, huminto siya sa pagsasalita at hinalikan ako sa pisngi.
“I’m just glad I’m here with you..”
binubulong niya habang nakayakap sa akin..
“it’s so hard.. “
“oo seed, ang sakit sakit…”
humigpit ang yakap niya.
“will you promise me something?”
“hindi ko alam… wala na akong tiwala sayo, iiwan mo ko kapag napagod ka na sa akin..”
“baby, just do it please? iniwn kita dahil gusto kong maisip mo na dalawa tayo dito. hindi lang ako, hindi lang ako ang laging iintindi, hindi lang ako ang laging magaadjust, pero never kitang
iiwan dahil lang napapagod ako sayo, yung andito ako, kahit na sobrang pagod ako hindi ako titigil, gusto ko lang maisip mo yun, na minsan baby, kailangan ko ring magpahinga. “
naluluha ako habang pahigpit ng pahigpit ang yakap niya sa akin.
“parang katulad ngayon na inaalagaan mo ko?”
“yes, isipin mo nalang na nagkasakit ako nung tatlong linggo na yun, naghihintay ako na alagaan mo ako, not physically but emotionally and mentally… and…”
“shhhhh, i’m sorry seed..”
“I know you are sorry, and I’m too…”
“just don’t do this again, okay? sobrang sakit sa akin na nakikita kang ganito..”
“masakit?”
“opo”
ang cute niya nung sinabi niyang opo.
“sige, let me take care of you then kapag wala na yung amats ko.”
“yung lips ko din masakit, medyo.. tsaka yung puso ko…”
sabay tap sa maskulado niyang dibdib.. napangiti lang ako at ngumiti siya pabalik at sinabing
“ang ganda mo talaga..”
“mas kakayanin ko pa siguro yung pagod sa napaka-moody mong ugali kesa habang buhay
maghintay ng katulad mo..”
naluha ako ulit at niyakap siya,a ngayon ako naman ang yumakap ng mahigpit..
“kaya nga..sayo lang ako…”
-
bashengcheng reblogged this from dearseed
-
bashengcheng likes this
-
uhlehsuh reblogged this from dearseed
-
uhlehsuh likes this
-
mrsmakdonald likes this
-
firstclassstalker likes this
-
jmrd likes this
-
pilosopotasyaa likes this
-
btwitskath likes this
-
wafferstick likes this
-
wanportri likes this
-
foreverbaliw likes this
-
dimarunongmanligaw likes this
-
naiputan likes this
-
malengs likes this
-
palakang-kokak likes this
-
kalaykhyla likes this
-
hahahanakakatawa likes this
-
thegirlwithaswag likes this
-
magpapakasayaako likes this
-
dearseed posted this
ang bukas